Biyahe ng sasakyang pandagat sinuspinde sa paglapit ni Usman
SINUSPINDE ng Philippine Coast Guard ang biyahe ng lahat ng sasakyang pangdagat sa mga piling lugar habang papalapit sa kalupaan ng bansa ang bagyong Usman.
Sa inilabas na advisory ng PCG sa pamamagitan ng Department of Transportation, pinagbawalang bumiyahe ang mga sasakyang pangdagat papunta at paalis ng Sorsogon, Masbate kabilang ang Ticao Island, Northern Samar, Eastern Samar, Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Northern Cebu at Camotes Island at Dinagat Island.
“Trips will resume upon improvement of weather and sea condition in these areas,” ayon sa advisory.
Sinuspinde rin ng PCG-Surigao ang biyahe ng lahat ng sasakyang pandagat sa Surigao City.
Nagpalabas naman ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board ng advisory na sinususpinde ang biyahe ng mga bus na may Roll-On Roll-Off trip sa lahat ng lugar na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Warning Signal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.