Du30 itinaas na sa P50M ang pabuya sa killers ni Batocabe
ITINAAS na ni Pangulong Duterte sa P50 milyon mula sa P30 milyon ang pabuya para mahuli ang mga pumatay kay Ako Bicol Rep. Rodel Batocabe matapos namang dumalaw sa burol ng mambabatas Daraga, Albay, Miyerkules ng gabi.
“The reward is at this time is P 30 million. I’m raising the ante. I’m putting it at plus 20 to 50. Ang sabihin mo lang, tip lang. Bigyan mo isang tip lang,” sabi ni Duterte matapos ang panayam sa mga mamamahayag.
Idinagdag ni Duterte na hindi kailangang personal na magsumbong ang gustong magbigay ng impormasyon at maaari lamang gumamit ng pre-paid cellphone number.
“Pagdating ng panahon, maraming magki-claim. Ipakita mo, then we will know. We’ll go to Globe and Smart. Makikita mo naman ‘yung priority ng pasok ng information eh., So we will know kung sino ‘yung nagbigay ng accurate at totoo. Ganun lang. Huwag ka maggamit ng pangalan. Taguin mo lang ‘yung cellphone mo. Bili ka diyan. Mag-imbento ka ng pangalan,” payo pa ni Duterte.
Kasabay nito, naniniwala si Duterte na politika ang motibo ng pagpatay kay Batocabe.
Kinausap din Duterte ang mga naulila ng mambabatas.
“Well of course, they are grieving and we share the grief of — especially the wife and children. And we had a conference there inside, together with the widow and son. Ang una nila is they’re asking for justice. So para madalian, anyway there’s really lawlessness and ‘yung violent crimes during election, I just called the chairman of the Comelec and recommended to him to place Daraga under Comelec control,” ayon pa kay Duterte.
Ipinag-utos din ni Duterte ang mahigpit na kampanya kontra pagdadala ng baril.
“Sabi ko, let’s go back to the Alunan doctrine that no candidate should strut around with bodyguards with long firearms. That’s prohibited. Only the police and the military. All others, wala. Except when you are granted a permit to carry by the Comelec,” dagdag ni Duterte.
Ani Duterte may mga ideya na rin ang kapulisan kaugnay ng nasa likod ng pagpatay.
“There are leads according to the police. I’m not at liberty really to talk about it because it would be incomplete,” sabi ni Duterte.
Nagbabala rin si Duterte sa mga kandidato na sangkot sa karahasan.
“So, let me just say, I promise the Filipino people, my country that I will not allow political terrorism, oppression, and intimidation. So, kung nakinig kayo ngayon, eh kung hindi ikaw, just ignore it. But if you are the one na gumagawa ng kalokohan, pinapatay ‘yung mga kalaban, p****** i** mo pupuntahan kita dito. I will personally confront you,” ayon pa kay Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.