Aktor hayahay na ang buhay matapos kalabanin si misis sa korte | Bandera

Aktor hayahay na ang buhay matapos kalabanin si misis sa korte

Cristy Fermin - December 27, 2018 - 12:15 AM

MALIGAYA na ngayon ang isang male personality sa kanyang personal na buhay pagkatapos niyang dumaan sa mahabang panahon ng kontrobersiya at kalungkutan. Wasak na wasak ang kanyang mundo nu’n.

Talagang sinukat ng panahon ang kanyang katapangan, sumuong siya sa matinding laban na humantong sa korte, mabuti naman at medyo hayahay na ang sitwasyon niya ngayon.

Kuwento ng chikadora naming source, “May mga natitira pang problema tungkol sa past battle nila ng ex niya, pero mas magaan na ‘yun ngayon kumpara nu’n na halos wala siyang peace of mind.

“Kasi nga, di ba, bukod sa naglalaban na nga sila ng ex niya sa husgado, e, panay-panay pa ang mga issue tungkol sa kanya sa social media. E, wala pa naman siyang hilig sumagot. Silent lang siya.

“Wala sa vocabulary niya ang pakikipag-away, sa totoo lang, lalo na kung babae ang kalaban niya. So, kung madaling maniwala ang makakabasa sa mga issues tungkol sa kanya, e, talagang durog na durog siya!” um-pisang chika ng aming impormante.

Nakapanghihinayang ang kinahinatnan ng i-pinaglabang relasyon ng da-ting mag-asawa. Napakaayos ng kanilang pagsasama nu’ng mga unang taon, larawan sila ng isang maligayang pamilya, hanggang sa pumutok na nga ang kanilang away na pinagpistahan ng buong bayan.

“Ngayon, e, hindi na maligalig ang buhay niya, hindi niya ipinagmamakai-ngay, pero masaya na siya ngayon. May nakita na siyang mamahalin na totoong nagmamahal din sa kanya.

“Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng ibang tao tungkol sa buhay niya, ang mahalaga, e, maligaya sila at tanggap ng family niya ang girl na nagpapasaya sa kanya.

Wala ring problema sa pamilya ng girl, tanggap na tanggap din siya, naiintindihan nila na hindi siya masamang tao na tulad ng pinalalabas ng iba.

“Happy family na sila ngayon, wala nang problema sa lovelife niya, kailangan na lang niyang gawin ang mga obligasyon niya para sa mga anak nila ng ex niya.

“Wala pang karelasyon ang ex niya, matatagalan pa sigurong mangyayari ‘yun, kasi nga, maraming lalaking natatakot sa mga babaeng maligalig, di ba naman?

“’Yung isinasapubliko ng babae ang lahat-lahat, samantalang puwede namang ilihim ‘yun kahit para man lang sa kanilang mga anak. Masarap hampasin ng bareta ng sabon ang mga ganu’n!” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sinu-sino sila, siguradong ayaw n’yong maupo sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending