Maine: Paskong-Pasko wala pa ring magawang matino ang ibang tao!
ABALA man si Maine Mendoza nu’ng Christmas Day dahil opening ng filmfest entry nilang “Jack Em Popoy” at abala rin sa pagsagot sa tweets ng mga nakapanood na ng movie, nakagawa pa rin siya ng Christmas video greeting kasama niya ang pamangkin niyang si Matti.
Game na game na naki-join si Matti sa kanyang Tita Meng sa nakakaaliw na video kung saan sabay silang nagpakawala ng nakakatuwang indak gamit ang hashtag na #Pasko SaTiktok, huh!
Aba, ‘yung 13 seconds nilang video ay nakahamig agad ng mahigit 21K likes, almost 5K retweets at mahigitt 1K na messages sa loob lang ng ilang saglit.
Samantala, bumaha naman sa Twitter account ni Meng ang fotos ng mga taong sumugod sa sinehan nu’ng opening day ng “JEP” na 9:30 a.m. pa lang ng umaga ay nakapila na, huh!
Sa tweet naman ni direk Mike Tuviera, ibinalita niyang nadagdagan ng sinehan sa Metro Manila ang “JEP.”
Gaya nang inaasahan, bakbakan sa takilya ang movie nina Vic Sotto, Maine at Coco Martin at MMFF 2018 entry ni Vice Ganda.
Sa isang tweet ng Phenomenal Star, tila may nabasa siyang tweet na halatang fake news daw pero nang hanapin namin yon eh, hindi na namin makita.
So, sa kanyang reply sa tweet mula kina @vicegandaako at @jhuunnyyy23, sagot ni Maine, “Yikes! Paskong Pasko wala pa ding magawang matino yung ibang tao.
“This is edited guys. Pero nood na lang din tayo ng Jack Em Popoy at Fantastica para happy tayong lahat.”
q q q
Aprubado kay senatoriable Samira Gutoc si Sarah Geronimo na gumanap bilang siya kung sakaling ilabas sa TV o sa pelikula ang kanyang life story. At dagdag niya, “Gusto ko si Matteo (Guidicelli) ang kapareha ko! Ha! Ha! Ha!”
Humarap sa press si Gutoc kung saan ipinapanood din niya ang kanyang online video na gagamitin niya sa kampanya. Isa siyang peace advocate at suportado ng Oposisyon sa 2019 elections.
“Working so many years in the community and peace-building, I understand the real needs of ordinary Filipinos and that everyone of us should be given a chance to speak out and be heard regardless of our faith, gender or social status,” pahayag ni Gutoc.
Nagtapos si Samira ng Bachelor’s Degree sa Communication at may Masters in International Studies sa UP Diliman. Siya ang unang babaeng presidente ng UP Muslim Students Association at Metro Manila Muslims Youth and Student Alliance.
Mayroon siyang law degree mula sa Arellano Univeristy at naging fellow ng Oxford Center of Islamic Studies sa London.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.