DEAR Ateng Beth.
Isa po akong byudo. May anim na taon na po. Malalaki na ang aking mga anak at may kanya-kanya nang pamilya.
May nakilala akong babae, byuda rin siya. Kasama ko siya sa isang grupo ng matatanda dito sa amin.
Nagkapalagayan na kami ng loob, at tatlong taon na rin ang maganda naming pagtitinginan. Matanda na ako ateng Beth, at nasa dapit-hapon na.
Pero gusto ko ang nararanasan ko ngayon, ang ma inlove muli. Mukhang mahal din naman ako ng babaeng nakilala ko. Pero ayaw niyng “mag-level up”, sabi nga ng mga bata ngayon, yung relasyon namin.
Wala rin naman daw patutunguhan. Ok na raw siya sa sitwasyon namin ngayon. Ako gusto ko siyang pakasalan, at makasama hanggang sa huling araw ng buhay ko. Baka may maipapayo ka?
Ernie, Malabon City
Simple lang, Tay, mag enjoy ka na lang. Mag enjoy na lang kayo. Sabi mo nga po nasa dapit hapon na rin
naman kayo ng buhay nyo. Established na mga pamilya ninyo. Wala na kayong kailangan pang patunayan.
Lalo pa at maliwanag naman yata ke girlfriend na malinaw ang intensyon mong pakasalan sya pero tumanggi pa rin sya. So ginawa nyo na po ang dapat gawin ng isang maginoong katulad nyo.
In love naman po kayong dalawa di ba? Nagkakaintindihan naman po kayo at ang inyong mga anak, hindi po ba?
Baka may sarili syang dahilan kaya ayaw na niyang mag level up pa. kaya hayaan na natin syang mag enjoy rin naman sa freedom at relasyong mayroon sya with you.
Ano po ba ang mas mahalaga sa inyo, ang makasal kayo o ang makasama ang babaing mahal ninyo? Kung ano po ang sagot ninyo iyon po ang gawin ninyo.
Pakasal kayo sa babaing sasama sa inyong magpakasal. Makisama kayo sa babaing mag eenjoy sa inyong pagmamahalan.
All in all, Tay, wag kang matali sa mga “dapat ganito at dapat ganun” na dikta ng panahon ninyo (Mawalang galang na po), ang mahalaga ngayon masaya ka at ang babaing mahal mo sa dapit hapon, at sana hanggang sa takipsilim ay magkasama kayo!
(Naks! Nailabas ko tuloy ang malalim kong bokabularyo ehh!)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.