Aktres sobrang yaman na kahit maliit lang ang talent fee: Paano kaya nangyari yun!? | Bandera

Aktres sobrang yaman na kahit maliit lang ang talent fee: Paano kaya nangyari yun!?

Cristy Fermin - December 23, 2018 - 12:15 AM


UY, napaka-rich naman pala ng isang female personality na simple lang kung pumorma, pero grabe na pala ang mga naiipong propyedad ngayon. Siya ang naging paksa sa isang malaking umpukan nu’ng isang gabi.

Simple lang siya, walang kaingay-ingay, umaarte lang siya sa isang serye, arte lang siya nang arte, pero super-yayamanin na pala siya ngayon.

Tanong ng isang miron sa umpukan, “Nakakapagtaka lang kung paano siya yumaman nang ganyan! Magkano ba ang talent fee niya sa tuwing taping ng seryeng pinagbibidahan niya?

“E, hindi pa naman siya ganu’n kasikat, hindi pa niya ka-level ang maraming bumibida sa mga serye diyan, paano kaya siya nagkaroon ng ganyang kayamanan? Nakakaloka ang mga properties na meron siya ngayon!” umpisang chika ng aming source.

Takang-taka ang magkakaumpukan kung bakit biglang sumargo ang kabuhayan showcase ng female personality, dahil nu’ng minsan nga siyang maging leading lady ng isang sikat na aktor ay semplang ang proyekto, saan kaya siya naghuhukay ng ginto?

“Hindi naman siya ganu’n kasikat, hindi rin naman towering ang TF niya sa mga projects na ginagawa niya, pero bakit sobrang yayamanin na siya ngayon? Bakit at paano siya naging ganyan kayaman?

“Totoo kaya ang chika na magaling sa paraan ang female personality? Puro milyonaryo pala ang nagiging karelasyon niya. Pero impernes, walang lumalabas na mga kuwento tungkol sa mga ginagawa niyang sideline, ha?

“Napakasimple lang talaga niya, kasingsimple rin niyang umarte na parang flat na flat na ewan! Maganda siya, walang question tungkol du’n, pero parang wala siyang kadating-dating!

“Hindi rin siya puwedeng gawing yayamanin sa project na gagawin niya, hindi kasi bagay sa kanya, hindi naman siya dabuy pero hindi bagay sa kanya ang damitan ng pangyayamanin dahil hindi niya ‘yun carry!

“Ayun, dahil sa hindi nga siya puwedeng maging yayamanin sa pelikula at sa serye, sa tunay na buhay na lang siya nagpakayayamanin!

“Kung ikuwento nga ng mga nakapaligid sa kanya kung gaano na siya kayayamanin ngayon, e nakakalula ang mga detalye! Nakaka-shock talaga! ‘Yan, ‘yan ang latest tungkol sa female personality ngayon,” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ‘yan ang kuwentong kailangan n’yong tumbukin! ‘Yan talaga!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending