Ken Chan tuloy ang pampa-good vibes sa ’My Special Tatay’ | Bandera

Ken Chan tuloy ang pampa-good vibes sa ’My Special Tatay’

Ervin Santiago - December 23, 2018 - 12:05 AM


CLOSE na close talaga ang cast members ng top-rating GMA Afternoon Prime series na My Special Tatay.

Sa isang online video, mapapanood ang ka-loveteam ni Ken Chan na si Rita Daniela na kumakanta ng “My Heart Will Go On” habang tumutugtog sa piano si Bruno Gabriel.

Sama-sama ring kumakanta sina Ken, John Kenneth Giducos, Jillian Ward at veteran actress na si Carmen Soriano. Hindi kataka-takang malapit sa mga mga manonood ang serye, dahil puno ng pagmamahal at positive vibes ang dala ng cast at kuwento nito, sa likod man o harap ng camera.

Samantala, hindi mapigilang mag-alala ni Boyet (Ken) dahil naospital si Lola Sol (Carmen). Ginagamit naman ni Olivia (Teresa Loyzaga) ang pagkakataong ito upang ilayo si Boyet sa kanyang pamilya.

Gagaling pa kaya si Lola Sol o tuluyan na siyang hindi makakasama ni Boyet?

Marami rin ang naawa at natuwa sa ginawa ni Ken na mas kilala na ngayon bilang si Boyet dahil sa My Special Tatay kung saan nagpatulong siyang hanapin ang tatay niyang si Edgar (Jestoni Alarcon).

Nawawala kasi ito matapos maaksidente kaya naman si Boyet, devastated! Sa tulong ng Instagram, nagpatulong siya na hanapin ang minamahal na ama.

Samantala, ang isa pang pinag-uusapan ngayon ng mga netizen ay ang tapatan ng fans nina Carol (Arra San Agustin) at Aubrey (Rita) na siyang malapit ngayon sa binata. Sino nga kaya ang mananalo sa puso ni Boyet—si Carol o Aubrey?

‘Yan ang abangan sa pagpapatuloy ng My Special Tatay sa GMA Afternoon Prime.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending