Horoscope, December 21, 2018 | Bandera

Horoscope, December 21, 2018

Madam Sophia - December 21, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahaba pa ang buhay at marami pang Paskong darating kaya hindi dapat na maging labis na galante. Magsimula kang mag-save at paghandaan ang future. Sa pag-ibig, papalamig na ang simoy ng hangin, yakaping lagi ang giniginaw na kasuyo. Mapalad ang 6, 15, 23, 33, 39, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Tantra-Om-Savitra.” Blue at lilac ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Sa pinansyal, wag masyadong magtiwala sa sarili, dapat mo ring pakinggan ang mungkahi ng mga yumaman na at yumayaman pa. Sa pag-ibig, habang nalalapit ang Kapaskuhan, mas lalong iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 1, 13, 22, 31, 39 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Omne-Venit” Silver at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Ituloy mo lang ang lahat ng iyong nasimulan, sa panahong ito ng Kapaskuhan, sunod-sunod na suwerte at buwenes ang darating na may kaugnayan sa pag-ibig at materyal na bagay. Upang magtuloy-tuloy ang nasabing magagandang kapalaran, ipamudmod ang ilang sobra sa mga mahihirap at sa mga kapos-palad. Mapalad ang 6, 15, 23, 32, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Om-Yasoda-Om.” Red at gold ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Wag magtanim ng galit kahit kanino upang patuloy na lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, kalimutan na ang maling nagawa ng kasuyong Aquarius, tutal nangako naman siyang hindi na uulit. Mapalad ang 5, 17, 23, 26, 31, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Kirata-Pukasa-Om.” Gray at yellow ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Upang muling uminit ang pagmamahalan, kailangan kang magpatawad. Sa pinansyal, tandaang hindi ka uunlad at yayaman kung mananatili kang nag-iisa. Mapalad ang 2, 16, 25, 34, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Green at red ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sa pinansyal, lumabas ka ng bahay para magkapera. Sa pag-ibig, panay ang awat sa iyo ng kasuyo, pero ang totoo – gustong-gusto naman talaga niya! Mapalad ang 4, 17, 25, 34, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Namoh-Nameh-Om.” Blue at magenta ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Habang tinitigasan mo ang iyong loob, lalo ka lang malulugi. Kailangan mong pairalin ang diplomasya upang kumita ng malaking halaga. Sa pag-ibig, hayaang ang kasuyong Cancer naman ang masunod. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 44, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Padme-Om-Padme-Om.” Yellow at orange ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Kapag maganda ang kapaligiran ay lalo kang susuwertehin at lalong gaganda ang iyong kapalaran. Kapag in love ka, ganoon din ang mangyayari, maraming suwerteng darating nang hindi mo inaasahan. Kaya sa taong 2019, bawal magalit, pag-ibig at pagmamahal sa kapwa ang iyong pairalin. Mapalad ang 3, 6, 15, 24, 33, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Om-Jana-Krisna-Rama.” Blue at red ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pinansyal, habang nagpapakabuti ay lalong dadami ang salapi. Sa pag-ibig, wag lokohin ang kasuyong Cancer, may magandang kapalaran kang makukuha mula sa kanya. Mapalad ang 5, 16, 34, 39, 41, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Jai-Guru-Deva-Om.” Yellow at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Tuwing magdarasal, magsindi ng kandilang kulay pink. Kapag nagawa mo ‘yan, madali nang darating sa inyong pamilya ang susuwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 3, 9, 21, 34, 39 at 44. Mahiwag mong mantra: “By the power of the candle, By the power of light, All these luck, So be mine.” Bukod sa pink buenas din ang red.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Iwasan ang pagkukuwanri upang mas madaling makuha ang tiwala ng mga kliyente. Sa pag-ibig, habang dumadami ang salapi ay lalo namang sumasarap ang pagmamahalan. Mapalad ang 4, 13, 16, 32, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Om-Ratha.” Violet a white ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Sa ibang bansa, mas magiging maligaya sa aspetong pag-ibig at pampinansyal. Umpisahan nang mag-aplay sa abroad sa darating na taong 2019. Sa pag-ibig at sa lahat ng bagay, wala sa sinilangang bayan ang suwerte mo, nasa malayong lugar. Mapalad ang 7, 16, 25, 34, 43, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Om-Bodhana.” Green at red ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Kung sa iyo talaga nakalaan ang magandang kapalaran, kusa sa iyong mapupunta ang nasabing bagay. Sa pinansyal ay ganoon din, ang mahalaga, magnegosyo ka upang umunlad. Sa pag-ibig ay ganon din, sa mga huling araw na ito sa taong 2017, kusang babalik at muling mag-iinit ang pagmamahalan. Mapalad ang 2, 11, 25, 32, 35, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Minna-Om-Galla.” Red at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending