Loveteam nina Lito at Angel nakakakilig, hindi nakakabastos | Bandera

Loveteam nina Lito at Angel nakakakilig, hindi nakakabastos

Cristy Fermin - December 18, 2018 - 12:15 AM

ANGEL AQUINO AT LITO LAPID

Kinakikiligan ngayon ng mga tagasuporta ng Ang Probinsyano ang mga special moments na ibinibigay ng programa kina dating Senador Lito Lapid at Angel Aquino.
Nagkakabiruan nga sa set dahil pagkatapos ng matagumpay na pelikulang “Glorious” na pinagbidahan ng magandang aktres at ni Tony Labrusca na isa pang bagets, ngayon ay heto na si Angel, forgets naman ang itinatambal sa kanya sa serye.
Nakakatuwang tingnan ang bagong “loveteam” habang nagtititigan nang makahulugan, habang pasimple silang nagho-holding hands kapag nagluluto sila ng kakainin ng mga miyembro ng Vendetta, nakakaaliw talaga sina Senator Lito Lapid at Angel Aquino.
Bagong putahe ‘yun na ihinain ng serye ni Coco Martin, walang pagdadamot na ibinigay ng bida sa serye ang mahabang exposure para sa kanyang mga kasamahan, du’n sinasaluduhan ng produksiyon ang action star.
Sabi ni prop, “Kung ibang bumibida lang ‘yun, e, hindi papayag na maagaw ng mga katrabaho niya ang moment. Pero iba nga si Coco, hindi siya maramot, mahaba ang mga eksenang ibinibigay nila kina Senator Lito at Angel Aquino.
“Nakakakilig nga ‘yun, kasi, hindi naman bastos ang atake. Puro patagilid lang, puro paramdam lang. Pero nakakakilig sila, ha?
“Talagang iba si Coco Martin, hindi siya selfish, gusto niyang mag-shine silang lahat sa Ang Probinsyano,” papuri ni prop sa sikat ang makarismang bida ng serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending