Toni sinagot na ang chikang sumugod siya sa dressing room ni Sam dahil kay Anne
FOR the first time, nagsalita si Toni Gonzaga tungkol sa tsika noon na sinugod daw niya si Sam Milby sa loob ng dressing room sa ABS-CBN dahil nalaman niyang magkasama sila ni Anne Curtis.
May mga blind item kasi noong kasagsagan ng loveteam nina Sam at Toni na nagkaroon sila ng matinding away nang dahil kay Anne. Kung matatandaan, naging girlfriend ni Sam si Anne noong 2007 habang naging magka-loveteam naman sina Toni at Sam noong 2006 at balitang nagkaroon din ng MU.
Sa grand presscon ng 2018 MMFF entry na “Mary Marry Me” mariing dinenay ni Toni ang balita, “Kelan yan? Never na nangyari ‘yun, never, never.”
Sinegundahan ni Sam ang pahayag ng TV host-actress. Dagdag pa ni Toni, “It’s not my personality na manugod. Never ako nanugod. It will forever be a myth because it’s never my personality and my character in real life na manugod. Hindi ako nanunugod ever.”
Samantala, after 10 years, muli ngang magsasama sa pelikula sina Toni at Sam at kasali pa sa MMFF, ito ngang “Mary, Marry Me” kung saan makaka-love triangle nila ang sisteraka ni Toni na si Alex Gonzaga.
Ang huling pelikula nina Toni at Sam ay ipinalabas noon pang 2009, ang “Tanging Pamilya: A Marry Go Round”. Bakit nga ba natagalan bago sila nagsama uli sa isang project?
“Naghihintay lang kami ng right project and right opportunities. And parang si Sam also explored different leading ladies and I was also taking on a different path, but then I think, this project is just at the right time na nagkasama ulit kami because we’ve grown so much as individuals, as actors, parang mas mature na kami ngayon,” sagot ni Toni.
Sundot na tanong kay Toni baka raw may hugot pa rin siya kay Sam until now, “Wala, wala. Wala rin naman kaming offer sa Star Cinema.”
Speaking of “Mary Marry Me”, super excited na ang magsisteraka na sina Toni at Alex dahil first time nga nilang magsasama sa isang movie at pang-MMFF pa. Mula ito sa TEN17 Productions na pag-aari ni Direk Paul Soriano at TINCAN Productions na itinayo naman ni Toni. Ito ang unang pagkakataon na sasabak ang TV host-actress sa pagpo-produce.
Ang “Mary Marry Me” ay sa direksyon ni RC delos Reyes, na first time ring sasabak sa pagdidirek. Aniya, hindi naman siya nahirapang idirek ang magkapatid kahit magkaibang-magkaiba ang kanilang personality at sumakto rin na isa itong family movie and a romcom at the same time.
“I remember when we were kids we would always look forward sa MMFF and pipila kami sa isa sa mga movies na gusto naming mapanood. Then fast forward to 20 years later, kasama na kaming dalawa na isa sa papanoorin nga-yong pasko,” ani Toni.
“Mary, Marry, Me” is the story of Mary Jane (Toni) and her estranged younger sister Mary Anne (Alex) who is set to marry the former’s ex-boyfriend Pete (Sam). Despite the initial hesitation, Mary Jane’s commitment to make up to her sister has enabled her to set aside her uneasiness with her ex-boyfriend as she agreed to plan their wedding.
In fairness, sa trailer pa lang ay ang dami ng positive comments and reactions kaya ipinagdarasal nina Alex at Toni na maraming makapanood ng kanilang MMFF entry.
Sey pa ni Alex, “Masaya makatrabaho ang ate ko kasi una sa lahat feeling mo safe ka, feeling mo at home ka at wala ka sa work kasi nandoon ang ate mo. Yet at the same time mahirap rin siya kasi masyadong perfectio-nist ang ate ko and masyado rin niyang tsine-check at ino-observe lahat ng galaw ko so parang meron akong nanay sa set. Masyado siyang pakialamera.”
Ka-join din sa movie sina Bayani Agbayani, Moi Bien at Melai Cantiveros. Showing na ito sa Dec. 25 bilang bahagi ng taunang filmfest.
Hirit pa ni Toni tungkol sa “Mary, Marry, Me”, “Gusto ko pagkatapos nilang panoorin ang ang film eh mas mahalin nila ang mga kapatid nila. Or kung wala kang kapatid, yung mga tao na kasama mo mula sa pagkabata na hindi ka binitawan o pi-nabayan o hindi nawala sa piling mo, na mahalaga ang mga taong minahal ko mula noon.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.