Male personality walang kwentang ama, mga anak inabandona

By Cristy Fermin December 17,2018
share this

Male personality walang kwentang ama, mga anak inabandona

By Cristy Fermin December 17,2018
share this

HINDI lang sila nagsasalita pero masamang-masama pala ang loob ng mga anak ng isang kilalang male personality sa kanya. Nagkani-kanyang diskarte sila para lang mabuhay dahil walang pakialam sa kanila ang lalaking personalidad mula nu’ng mga bata pa sila.

Nagkaroon ng pagkakataong umangat ang career ng kanilang ama, pero hindi naman nila naramdaman ‘yun, dahil mas inuna pa ng male personality ang pambababae at pagbibisyo.

“Nakakaawa ang mga batang ‘yun, parang isinipot lang sila sa mundo na parang singaw. Lumaki silang nanay lang ang kanilang kasama dahil buhay na buhay ang tatay nila, pero hindi naman sila dinadalaw man lang.

“Mas may panahon ang father nila para sa ibang tao, sa pakikipagbarkada at pagbibisyo. Du’n siya magaling! Naglakihan nga ang mga anak niya nang hindi niya nararamdaman!” simulang chika ng aming source.

Nu’ng tumanda na ang male personality ay saka lang niya nakasama ang kanyang mga anak. Mababait ang magkakapatid dahil sa kabila ng pagkukulang ng tatay nila ay nakuha pa rin nilang magpatawad.

“Nito na lang nila nakasama ang father nila. Pero parang ganu’n pa rin, ni hindi nga sila inaabutan man lang ng kinikita niya na sobra-sobra naman kung tutuusin para sa mga panga-ngailangan niya.

“Puro bisyo pa rin ang pinagkakaabalahan niya, tumanda na siya nang ganyan, pero wala siyang pangarap na magkaroon ng magandang buhay na kasama ang mga anak niya.

“Bagsak na naman ang career ngayon ng matandang male personality, pagpapabaya na naman niya ang dahilan, maraming sumusuporta sa kanya pero kapos siya sa pagtanaw ng utang na loob kaya iniiwan siya.

“Barkada pa rin ang mahalaga sa kanya, hindi talaga siya makabaklas sa bis-yong nagiging dahilan ng unprofessionalism niya. Ang call time niya, e, alas otso nang umaga, pero makapananghali na siya dumara-ting at wasted pa!

“Walang pinagkatandaan ang taong ‘yun, kung makapagsasalita lang sana ang mga anak niya. Isa lang ang clue, meron ba tayo d’yan? Wala na!” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Kilalang-kilala n’yo kung sino ang male personality na ito, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, pramis!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending