Mocha Uson biglang nawala nang bitawan ni Duterte, kakanta na rin ng 'La Ocean Deep' | Bandera

Mocha Uson biglang nawala nang bitawan ni Duterte, kakanta na rin ng ‘La Ocean Deep’

Cristy Fermin - December 17, 2018 - 12:25 AM

MOCHA USON AT RODRIGO DUTERTE

TAHIMIK  na tahimik ngayon ang mundo ni Mocha Uson. Kung ano ang pinagkakaabalahan niya ngayon ay siya lang ang nakakaalam. Mula nang mabulilyaso ang kanyang puwesto sa pamahalaan ay nanahimik na ang dating sexy performer.

Ilang panahon ding nakipagsayaw sa huwad na kapangyarihan si Mocha. Pa-lihasa’y dikit siya sa pundilyo ng pangulo, ang akala niya’y panghabambuhay na ang lahat, du’n siya nagkamali.

Sino mang pinuno ng bansa, kapag nakakaramdam nang hindi makabubuti sa kanyang pamahalaan ang mga ginagawa ng kanyang alipores, ay nagigising din sa katotohanan.

Tinatanggal nila sa posisyon ang mga hindi na nga nakadadagdag ay nakababawas pa sa kanilang pamamahala. Ganu’n ang eksaktong naganap kay Mocha Uson.

Tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagba-blog, pero kapansin-pansin na nabawasan na ang kanyang mga tagasuporta, kumalas na kay Mocha Uson ang mga dating handang makipaglaban na tulad niya.

Iba ang postura nu’n ni Mocha, lalo na nu’ng mga panahong palagi siyang i-pinagtatanggol ng pangulo, kung lait-laitin niya ang media ay parang kumakain lang siya ng butong-pakwan.

Nandito pa rin ang mga taga-media na tinatawag niyang mukhang pera, na mga bayaran ng mga kalaban, pero nasaan na ba si Mocha Uson ngayon?

Waley na! Kakantahin na rin niya ang piyesang “La Ocean Deep.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending