Kilalang male star buking ng mga reporter, umalis ng bansa kasama ang kabit

By Ronnie Carrasco III December 17,2018
share this

Kilalang male star buking ng mga reporter, umalis ng bansa kasama ang kabit

By Ronnie Carrasco III December 17,2018
share this

BY NOW, showbiz parties will have simmered down, isang linggo na nga lang naman from now ay Christmas Eve na.

But the past days saw a frenzy of showbiz activities.

More than a week apart ang media party ng GMA na sinundan ng ABS-CBN. While the Kapuso Network utilized its Studio 7, sa Studio Experience (Trinoma) naman idinaos ng Kapamilya network ang para sa entertainment media (dinner followed at a Korean resto).

Speaking of Studio Experience, ito ang bagong attraction ng istasyon sa malling public in general. About seven attractions ang naroon, all ABS-CBN’s top-rating programs. May bonus pang mini-theatre.

Sa kauna-unahan yatang pagkakataon, in ages ay nga-yon lang nagkapareho ng giveaways ang dalawang magkatapat na network: desk calendar.

What we actually hoped to get na isinasabit sa dingding ay pang-mesa ang silbi. Pero anumang kalendaryo, in whatever form or size, is always useful and a must-have.

Between the two network media parties, mas busog sa production number ang sa GMA kabilang na nga riyan ang kina Julie Anne San Jose and The Clash champion Golden Cañedo. Sagana rin sa mga parlor games. ABS-CBN, meanwhile, made us experience its programs.

Kung noong isang taon ay Korean food ang isinerve ng GMA because of Heart Evangelista’s Tagalized Koreanovela, this year ay sa Korean resto ang venue ng sa ABS-CBN.

Prizes up for grabs at both parties were fabulous. Lagi naman. But as always din ay nakakawindang ang momentum. Anti-climactic kasi.

Paano? Sisimulan kunwari sa cash na P2,000. Just when the media thought the next would be higher, biglang slashed. As in any raffle pa naman, hindi bet ng mga attendees na maunang tinatawag thinking that the first set of prizes is the cheapest of them all.

Sige, Christmas naman. Wala namang iniwan ‘yon kapag naghuhuntahan ang mga magkakaibigan who trade stories about their lives. And just when one of the friends thinks the storyteller is done with his turn ay babalikan niya muli ang kabanatang ‘yon.

Paulet-ulet? Uulit-ulitin na lang namin ang aming taos-pusong pasasalamat sa GMA at ABS-CBN dahil kahit hindi na kami naiimbitahan sa kanilang respective events, at least, they don’t forget to invite us to their annual parties.
q q q

For the sake of art, here’s a blind item.
Yes, there’s art even in peddling a piece of gossip lalo’t kung ang kuwento ay eye witness account mismo.

Ang bidang aktor dito’y sikat nitong mga nakaraang araw, but we reserve the right to withhold the information kung bakit putok na putok ang iniingatan daw niyang pa-ngalan (talaga lang, ha?).

Sa departure area ito ng NAIA kung saan by accident ay nakita niyang papaalis din patungong ibang bansa ang isang grupo ng mga reporter.

Galante si actor kaya nang makantiyawan ng grupo’y naghatag ito ng ilang piraso ng US dollars.

Tuwang-tuwa siyempre ang mga reporter, dagdag pocket money rin ‘yon.

Malapit na ang boarding time ng actor who had to excuse himself. Unknown to him ay sinusundan siya ng tingin ng isang reporter habang papalayo siya.

Bingo! Sight na sight ng grupo ang disimuladong para-paraan ng actor dahil hindi mabukelya na pinauna lang pala niya ang kanyang mistress who boarded a separate yet same destination flight.

Matinik talaga sa girlash ang actor palibhasa’y pares pa lang ng mga mata nito’y makalaglag-syonty (read: panty) na.

Truly amazing!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending