Catriona huhusgahan na bukas sa Miss U; pati mga kalaban pinabilib | Bandera

Catriona huhusgahan na bukas sa Miss U; pati mga kalaban pinabilib

Cristy Fermin |December 16,2018
facebook
share this

Catriona huhusgahan na bukas sa Miss U; pati mga kalaban pinabilib

Cristy Fermin - December 16, 2018 - 12:50 AM

CATRIONA GRAY

Sinusulat namin ang kolum na ito ay laganap na ang nararamdamang tensiyon ng mga becki dahil sa gaganaping Miss Universe beauty pageant bukas sa Bangkok, Thailand.

Higit sa mga kalalakihan at kababaihan ay mas matindi ang pagtutok ng sangkabekihan sa mga ganitong labanan ng pagandahan.

Si Catriona Gray na paborito ng mga banyaga ang kumakatawan sa ating bansa, isang babaeng sexy at maganda na ay matalino pa, buong bansa ang umaasa na maiuuwi niya ang korona bilang pang-apat na Miss Universe.

Maingay na pinag-usapan sa buong mundo ang kanyang lava walk at ang pag-slow motion niyang pag-ikot sa entablado habang naka-swimsuit. Pinasalamatan ni Catriona ang kanyang Kuya Caloy, si Carlos Buendia, dahil sa pag-ikot niyang umagaw ng pansin at minarkahan sa lahat ng bansa.

Malaking-malaki ang pag-asang manalo si Catriona Gray, kuhang-kuha na niya ang atensiyon ng buong mundo, ilang tumbling na lang at huhusgahan na ang kanyang pagkatawan sa ating bayan sa Miss Universe.

Sabi ng isang becki naming kaibigan, “Ipinagpaliban ko na muna ang mga personal concerns ko kapag nagdadasal ako. Si Catriona Gray lang muna ang hinihiling kong manalo bilang Miss Universe.

“Paborito siya kahit ng mga kalaban niya, pinagka-kaguluhan siya at pinag-uusapan kahit saan, kaya hindi na-kagugulat na maiuwi niya ang crown,” dalangin pa ng kaibigan na-ming becki.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending