Aktres hindi na papayag makatambal ang dating ka-loveteam | Bandera

Aktres hindi na papayag makatambal ang dating ka-loveteam

Cristy Fermin |December 15,2018
facebook
share this

Aktres hindi na papayag makatambal ang dating ka-loveteam

Cristy Fermin - December 15, 2018 - 12:15 AM


SA isang malaking umpukan ng mga taga-showbiz na mahilig magkape-kape ay para silang nag-iinuman na ang ginawang pulutan ay ang isang sikat na male personality.

Sikat pa rin, pero hindi na siya kasingsikat nang dati, guwapo pa rin ang male personality pero hindi na rin siya ganu’n kaguwapo sa dati dahil sa kanyang pagkakaedad.

Kuwento ng isang miron sa umpukan, “Spell gamitan! Nakakaloka ang male personality na ‘yun, ha? Panay ang palutang niya na magkakaroon kuno sila ng reunion movie ng dati niyang ka-partner.

“Sagot naman ng kampo ng girl, ‘Hooooyyy!’ Tantanan na raw sana ng lalaking yun ang pagpapaikot ng kuwento na malapit na uli silang mag-partner sa movie ng girl na ipinartner sa kanya nu’n!

“Palibhasa nga naman, e, wala nang pelikula ang male personality, palibhasa nga naman, e, malamig nang parang ilong ng pusa ang career niya, kaya gumagawa siya ng istorya!” umpisang chika ng aming impormante.

Ayon sa miron, ipatawas man ngayon ang girl ay hinding-hindi na ito papayag na gumawa pa ng proyektong kasama ang male personality, kaya isang MSK (malayo sa katotohanan) lang daw ‘yun!

“Wala na kasi siyang project, mahirap na siyang ihanap ng makaka-partner, halatado na kasi ang pagtanda niya. Puwede, pero tatay na siya, ‘yun na ang nababagay na role sa kanya ngayon.

“Kundi niya tatanggapin ang role ng isang tatay, e, mangangawit siya sa kahihintay ng gagawin niyang pelikula, sa totoo lang! Maaga siyang nagmukhang wrangler, ang mga ka-contemporary niya naman, e, hindi ganyan ang itsura!

“Hindi na bagay sa kanya ang mga pa-tweetums na istorya, wala nang kikiligin, maiinis pa sa kanya ang mga tao kapag ganu’ng role ang ginampanan niya!

“Pangtatay na talaga ang datingan niya ngayon, pangpapa na, bagay na bagay na sa kanya ang role ng pagiging papa,” natatawang pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, alam na this, wala kayong upuan ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending