Jessy biktima rin ng harassment: ‘Yung hawak pababa nang pababa

By Ervin Santiago December 15,2018
share this

Jessy biktima rin ng harassment: ‘Yung hawak pababa nang pababa

By Ervin Santiago December 15,2018
share this

JESSY MENDIOLA

FEELING ni Jessy Mendiola ay nahaharas at nababastos siya kapag may mga lalaking fans na humahawak sa kanya kapag nagpapa-picture.

Ipinaalala ng girlfriend ni Luis Manzano sa kanyang male supporters and admirers na sana’y huwag siyang hawakan sa anumang bahagi ng katawan kapag nagpapalitrato sa kanya.

Sa kanyang Instagram Story kamakailan, may ipinost si Jessy tungkol dito. Aniya, “Hello male friends. Next time you ask for a picture, please do not touch my waist without my permission. It’s inappropriate.”

Muli itong naungkat sa interview niya sa Tonight With Boy Abunda kaya ipinaliwanag niya sa madlang pipol kung saan siya nanggagaling. Kuwento ng dalaga, “I was in a restaurant, ‘tapos someone asked if puwede silang makipag-picture. So, sabi ko, ‘Okay lang naman.’

“Biglang hinawakan niya yung waist ko… medyo malapit na sa mababang (bahagi ng kanyang likuran o puwitan),” simulang pahayag ni Jessy. Sinabihan daw niya agad ang lalaki na huwag siyang hawakan.

“I just want to clarify, kahit naman humingi ng permiso na hawakan ako sa beywang, hindi pa rin ako papayag. And I’m sure a lot of girls could relate.

“Kapag hindi ako kumportable sa isang bagay, sinasabi ko. Sinabi ko sa kanya, sabi ko, ‘Sorry, huwag kang humawak,’ kasi pababa nang pababa, e,” aniya pa.

Dagdag pa ng lead star sa 2018 MMFF entry na “The Girl In The Orange Dress”, “Meron kasing ibang fans na sinasabi, ‘Miss Jessy, okay lang po ba na akbayan kita, kunwari close tayo?’ May ganu’n sila, na cute naman. Sabi ko, ‘Okay lang.’ So, I’m really okay with that.”

Hirit pa ni Jessy, mas okay daw kung siya na lang ang aakbay sa fan, lalo na kung lalaki.

In fairness, marami naman ang kumampi kay Jessy tungkol sa kanyang hugot sa isyu ng harassment, pero meron din namang mga netizens ang nang-okray sa kanya at sinabihan pa ng maarte at feeling superstar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending