Nangangaroling kay Alden may bonus kung…

By Jun Nardo December 14,2018
share this

Nangangaroling kay Alden may bonus kung…

By Jun Nardo December 14,2018
share this

ALDEN RICHARDS

Tuwang-tuwa si Alden Richards kapag naririnig niya ang mga batang nangangaroling lalo na kung Christmas songs ng GMA ang kinakanta ng mga ito.

“Nakakatuwa! Malaki ‘yung bonus ng mga nangangaroling sa akin na bata kapag Christmas songs ng GMA ‘yung kinakanta. Masaya ako na when we do songs like this, may recall sa mga bata.

“Kasi ang Pasko para sa bata, eh. It’s the birth of Jesus Christ kaya it’s for them. It’s for the kids talaga,” ani Alden sa panayam ng GMA.

Sa ibang bansa magpa-Pasko si Alden kasama ang kanyang pamilya, “Aalis kami for 10 days. We’re gonna go to the US to spend time there.

“Lately kasi, medyo wala akong time sa kanila because of work so babawi naman ako sa kanila ngayong holidays,” pahayag pa ni Alden.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending