Reklamadorang female celeb sukdulan na ang kaartehan, lahat pinakikialaman

By Cristy Fermin December 14,2018
share this

Reklamadorang female celeb sukdulan na ang kaartehan, lahat pinakikialaman

By Cristy Fermin December 14,2018
share this

MALDITA sa dilang maldita kung ilarawan ng kanyang mga katrabaho ang isang kilalang female personality na mula sa pamilya ng mga artista at musikero.

Tanggap na raw nila ang kaartehan ng girl pero ang kanyang kamalditahan ay hindi dahil wala pa naman siyang maipagmamalaking kredito na kanya talaga.

Kuwento ng aming source, “Ano ba naman kasi ang maipagmamalaki niya? Ang pagiging sahog lang sa mga programang ginagawa niya? Palagi siyang kontrabida, di ba?

Pero pati ba naman sa totoong buhay, e, ganu’n pa rin ang ugali niya? Ano ba ang ipinagmamalaki niya?

Meron na ba siyang maituturing na accomplishment na kanya talaga?” naiinis na kuwento ng chikadora naming source.

Sa isang serye kung saan kontrabida na naman siya, siyempre, ay maraming naaangasan sa female personality na ito. Marami kasi siyang kuda, mareklamo siya, na para bang siya ang bumibida sa serye.

“E, teka lang naman muna. Ano ba ang karapatan niyang mag-umastang bida siya? Meron na ba siyang nagawang project na kumita? Di ba, palagi lang naman siyang sidekick ng bida?

“Kundi siya kaibigan ng bida, e, kontrabida siya, ganu’n ba ang klase ng artistang magmamaldita? Naku, ‘no! Kundi pa sa isang kadugo niyang sumikat, e, wala namang papel sa buhay ang babaeng ‘yun!

“Kung ‘yun ngang pinagmanahan niya, e, palakaibigan, maraming kasundo at talagang humble, e, siya pa ba namang wala pang maipagmamalaki ang astang-sikat na?” kuwento ng aming impormante.

Hanggang langit kuno ang kaartehan ng female personality na ito. Pinakikialaman niya pati ang production design, ang pagkain ng catering, lahat-lahat.

“Naku, huwag na niyang pinakikialaman pa ang mga nakikita niya, suklayin na lang niya nang suklayin ang napakahaba at shiny niyang hair na ipinagmamalaki niya.

“‘Yun na lang ang atupagin niya, kailangan talaga ng pag-aalaga ang hair niya na kahit saan, e, ikinukuwento niya na parang baby kung alagaan niya kaya ganu’n kalusog.

“Yo, yes, yes, yo! Huwag na siyang nag-iinarte, huwag na rin siyang mareklamo, i-brush na lang niya nang i-brush ang long hair niya!” naiinis pa ring pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, siguradong getlak n’yo na kung sino siya. Yes, yes, yo!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending