Kalat na: Billy Crawford may mga kagalit sa ABS-CBN

By Ambet Nabus December 13,2018
share this

Kalat na: Billy Crawford may mga kagalit sa ABS-CBN

By Ambet Nabus December 13,2018
share this


GAANO naman kaya katotoo ang tsikang mukhang hindi na raw inimbitahan si Billy Crawford at asawa nitong si Coleen Garcia sa planong “family party” ng Team Showtime?

Ayon sa aming ka-Chismacker, hindi nito nakita ang names ng mag-asawa sa listahan ng mga supposedly attendees sa naturang event.

Kaya lumakas umano ang intriga na may katotohanan ang tsismis na nang dahil sa ginawang “career move” ni Billy (pag-alis sa Showtime), ay tinabangan na sa kanya ang mga dating kasama sa noontime show.

Obvious daw kasing higit na pinili ni Billy ang mas maging praktikal kesa maging loyal sa mga kaibigan.

Na mas mahalaga ang magkaroon ng sariling show o mga shows na lalabas talaga ang husay niya, kesa maging parte lang daw ng isang programa na nagsisiksikan na ang mga talents.

Well, hindi naman natin siya masisisi if ever na totoo ang tsikang ito dahil noon pa man ay “world-class” na ang husay ng isang Billy Carwford. Mas lalabas nga naman ito kung siya talaga ang magsisilbing “captain of the ship” ng show, kesa sa maging one of those lang.

q q q

Well, naniniwala nga kaming malamig na o baka nga nawala na ang “magic” ni Kris Aquino pagdating sa kanyang mga hanash at emote sa buhay.

Mukha kasing wala nang gaanong pumansin sa mga recent kuda niya maliban sa kanyang social media followers at bashers.

Since maglitanya siya kaugnay ng mga kasong legal sa dati niyang katrabaho at kapatid nitong abugado, hanggang sa usaping “friendship” niya kay Vice Ganda, mukhang umay na umay na ang mga nagbabasa o sumusubaybay sa kanya.

Kung dati-rati ay lagi itong nalalagay as among the top and trending stories, mukhang hindi na ganito ang scenario sa ngayon. First time rin naming hindi na tapusing basahin ang mga naging sagot niya sa kanyang followers na nagtatanong dahil dose-dosenang beses na rin naming nabasa ang mga yun.

Hahahahaha!

We really challenge Kris to level up her expertise in marketing herself. Dapat na niya sigurong rebyuhin ang klase ng “brand” o “image” niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending