Aljur tinupad ang promise kay Robin: Pinanindigan, pinakasalan si Kylie | Bandera

Aljur tinupad ang promise kay Robin: Pinanindigan, pinakasalan si Kylie

|December 13,2018
facebook
share this

Aljur tinupad ang promise kay Robin: Pinanindigan, pinakasalan si Kylie

- December 13, 2018 - 12:20 AM

TUWANG-TUWA si Robin Padilla dahil tinupad na rin ni Aljur Abrenica ang promise nitong pakakasalan ang kanyang anak na si Kylie Padilla. Isa si Binoe sa unang-unang naglabas ng balita tungkol sa naganap na wedding.

Sa pamamagitan ng kanyang Facebook account at Instagram, ibinahagi ni Robin ang ilang eksenang naganap sa kasal ng kanyang anak, kabilang na ang pagpapalitan ng “I dos” ng Kapuso actress at ni Aljur.

Isang intimate Christian wedding ceremony ang naganap last Dec. 11 sa Villa Milagros ancestral house sa Rodriguez, Rizal. Makikita sa video ang pagiging emosyonal nina Kylie at Aljur habang nakikinig sa advice ng kanilang pastor. Anito, “Mahalin mo si Kylie. Your job is to protect your wife.”

Base sa mga litrato at video na ipinost ni Binoe, pati ng iba pang um-attend sa kasalan, nakasuot ng off shoulder wedding gown si Kylie habang naka-brown suit naman si Aljur with violet vest.

Naging bahagi rin ng seremonya ang anak nilang si Alas at iba pang malalapit na kapamilya at kaibigan. Ilang litrato rin ang ipinost ng makeup artist ni Kylie na si Dave Quiambao na kuha habang naghahanda ang bride sa kanyang kasal.

Pagkatapos ng ceremony, naghalikan na ang bagong kasal. Binilangan pa ng 10 segundo ng mga bisita ang kanilang wedding kiss.

Bumaha rin ng pagbati sa social media para sa bagong kasal.

Nagpakasal sina Kylie at Aljur after almost two years ng kanilang engagement. Noong January, 2017 nabuntis si Kylie at ipinanganak nga si Alas Joaquin noong Aug. 5, 2017.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending