Du30 ihuhulog sa bangin ni Diokno gaya ng ginawa niya kay Erap- Andaya | Bandera

Du30 ihuhulog sa bangin ni Diokno gaya ng ginawa niya kay Erap- Andaya

Leifbilly Begas - December 12, 2018 - 05:10 PM

DAPAT umanong mag-isip isip na si Pangulong Duterte dahil baka ihulog siya sa bangin ni Budget Sec. Benjamin Diokno.

Sa isang press briefing, sinabi ni House majority leader Rolando Andaya Jr., na dalawang beses ng naipatawag sa Question Hour ng Kamara de Representantes si Diokno, una noong panahon ni dating Pangulong Joseph Estrada. Parehong may kaugnayan ito sa ginagawang paglalaan ng pondo ng DBM.

“…ito siguro mensahe ko na lang sa ating Presidente kausapin nyo po ‘yung inyong Secretary of Budget and Management dahil baka ho ihulog kayo sa bangin nyan. Nangyari na po ‘yan sa dati nyang boss (Estrada),” ani Andaya.

Dagdag pa ni Andaya may kahulugan ang pahayag ng Malacanang na bubuo ito ng komite na siyang mangangasiwa sa mga pondo na inilalaan sa mga distrito.

“Kumbaga sa simpleng salita nilaglag, nilaglag sya. Dahil imbes na depensahan inamin na rin na mali ‘yung ginawa, bakit ka pa gagawa ng ganung opisina para ayusin ang alokasyon ng budget eh trabaho nga ng DBM Secretary ‘yan. Kung tatanggalin mo sa kanya ‘yun simple lang ang mensahe nun.”

Dagdag pa ni Andaya dapat ay otorisado ng Pangulo ang ginagawa ni Diokno na pagpapalabas ng pondo dahil wala otoridad ang kalihim na gawin ito sa ilalim ng batas.

Ayon naman kay House minority leader Danilo Suarez kung may delicadeza si Diokno ay magbibitiw na ito sa tungkulin.

Sinabi ni Suarez na sinasabi ni Diokno na dapat ay maging transparent ang mga ahensya sa pagpapalabas ng pondo pero nasa kanya ang iregularidad sa paggamit nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending