Tatay in love sa transgender na anak sa ‘Asawa Ko, Karibal Ko’ | Bandera

Tatay in love sa transgender na anak sa ‘Asawa Ko, Karibal Ko’

|December 12,2018
facebook
share this

Tatay in love sa transgender na anak sa ‘Asawa Ko, Karibal Ko’

- December 12, 2018 - 12:45 AM

PATULOY na kinaaadikan ngayon ng mga Kapuso viewers ang Asawa Ko, Karibal Ko nina Kris Bernal, Rayver Cruz at Thea Tolentino kaya naman hataw pa rin ito sa ratings game.

Bukod sa inaabangang masalimuot ngunit nakakakilig na love story ng mga karakter nina Kris at Rayver (Rachel at Gavin), isa pa sa tinututukan ng manonood ay ang mga pasabog ni Venus na ginagampanan ng napaka-versatile na si Thea Tolentino.

Araw-araw ay pinagtsitsismisan ang mga confrontation scene nina Kris at Thea sa Asawa Ko, Karibal Ko lalo na kapag pinag-aawayan na nila si Rayver. Pero ang tinututukan ngayon ay ang “incest love affair” ng mag-amang Venus at Lorenzo (Ricardo Cepeda).

Ayaw kasing tigilan si Venus ng kanyang tatay na ginagawa ang lahat para makuha ang kanyang atensyon at pagmamahal. Sa huling eksenang ipinalabas sa AKKK, binantaan na ni Venus ang ama para tigilan na siya.

Ano nga kaya ang mangyayari kung ipagpilitan ni Lorenzo ang kanyang sarili kay Venus? Umabot kaya siya sa sukdulan para lang matikman ang babaeng pinagnanasahan? Paano kung malaman nga niya na si Venus ay ang anak niyang si Nathan (Jason Abalos)? Kaloka, di ba?

Yan ang dapat n’yong abangan sa Asawa Ko, Karibal Ko na napapanood sa GMA Afternoon Prime after Eat Bulaga. Ka-join din dito sina Lotlot de Leon, Jean Saburit at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending