Iwa Moto imbiyerna sa ‘peke’, humingi ng tulong sa socmed | Bandera

Iwa Moto imbiyerna sa ‘peke’, humingi ng tulong sa socmed

Ervin Santiago |December 11,2018
facebook
share this

Iwa Moto imbiyerna sa ‘peke’, humingi ng tulong sa socmed

Ervin Santiago - December 11, 2018 - 12:05 AM


NANAWAGAN ang dating sexy actress na si Iwa Moto sa kanyang social media followers na huwag maniniwala sa isang netizen na gumagamit ng kanyang pangalan para makapanloko.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ng dating Starstruck Avenger ang kanyang pag-aalala sa nasabing poser.

Ani Iwa, “At first dedma lang ako. Kasi baka natuwa lang siya sa ‘kin. Pero nakakainis na eh. Ang daming taong nag-message sa ‘kin na she’s using my picture. Ang matindi pa akala mo siya talaga kasi ‘yung caption iniiba pa!!!!

“Ang nakakatakot baka nanloloko siya ng ibang tao using my pic! Pls help po!! Paki report!!!! Update: Di ko na siya makita sa FB. Not sure if blocked ako or kumilos na sa FB,” chika pa ng dating Kapuso actress.

Matagal nang wala sa showbiz si Iwa pero marami pa rin siyang followers sa social media, karamihan sa mga ito ay nagsasabing sana ay bumalik na siya sa pag-aartista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending