Du30 hindi na dadalo sa pagsalubong ng Balangiga bells

By Bella Cariaso December 10,2018
share this

Du30 hindi na dadalo sa pagsalubong ng Balangiga bells

By Bella Cariaso December 10,2018
share this

SINABI ng Palasyo na hindi na sasalubong si Pangulong Duterte sa nakatakdang pagdating bukas ng mga Balangiga bells sa Villamor Air Base.

Idinagdag ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na ito’y batay na rin sa rekomendasyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana.

“The President will instead be in Samar on December 15, Saturday, to turn over the bells to Balangiga officials. I hope this clarifies the matter,” sabi ni Panelo.

Iba naman ang pahayag ni Lorenzana sa pagsasabing sumusunod lamang siya sa direktiba ng Malacanang.

“Hindi ko alam. Ako’y sumusunod lang sa utos ng Malacanang,” paliwanag ni Lorenzana.

Ani Lorenzana, na nagdesisyon si Duterte na pumunta na lamang sa bayan ng Balangiga para personal na ibigay ang mga kampana.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending