Filipino skateboard champ Margielyn Didal pasok sa Time’s 25 influential teens
NAPABILANG si Asian Games gold medalist Margielyn Didal sa “25 Most Influential Teens of 2018” ng Time Magazine.
Siya ang tanging Pilipinong nakasali sa listahan.
“This summer, the 19 year old from Cebu City, Philippines, won the gold medal in women’s street skateboarding competition at the Asian Games —and became a national hero in the process,” sabi ng TIME.
Pinili ang mga napaloob sa listahan sa pamamagitan ng “accolades across numerous fields, global impact through social media and overall ability to drive news.”
Nakilala si Didal matapos na ibulsa ang gintong medalya sa women’s street skateboard competition ng 2018 Asian Games na ginanap sa JSC SkateBoard Stadium sa Palembang noong Agosto.
Tumapos si Didal na may 30.4 points average para higitan ng 5.4 puntos ang silver medalist na si Isa Kaya ng Japan na ma y 25 puntos.
Sinabi ng Time na naging daan ang pagwawagi ni Didal sa para ikunsidera ng publiko ang skateboarding bilang seryosong sport sa Pilipinas.
“I want to build a new generation of skaters for the future,” saad ni Didal sa Time.
Noong 2017, dalawang Filipino teens ang napabilang sa taunang listahan ng mga influential teens sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.