Viral na ‘to: Tony Labrusca kinuyog ng fans; nasapak ng gwardiya sa mall

By Alex Brosas December 10,2018
share this

Viral na ‘to: Tony Labrusca kinuyog ng fans; nasapak ng gwardiya sa mall

By Alex Brosas December 10,2018
share this

BULAGTA si Tony Labrusca after masapak ng isang guard during a mall tour.

Kumalat at naging viral sa social media ang video ng pananapak ng guwardya sa “Glorious” star. According to a video sa social media, nag-mall tour si Tony sa isang mall sa Batangas. After his performance ay pinagkaguluhan siya ng mga tao. Nakita sa video na halos tumakbo na siya para makaiwas sa mga fans pero hindi pa rin siya nakaligtas.

Napapaligiran si Tony ng mga tao at may isang guwardya ang nakita sa video na sumapak kay Tony. Mukhang hindi naman siya ang target ng guard kaya lang ay siya ang tinamaan kaya bumulagta siya.

Sa isa pang video, ipinakita na papasok na sa tent si Tony at nagpapahinga. Ewan kung may serious injury siya sa pagkakasapak sa kanya. With this incident, nagalit ang netizens sa guard.

“Malakas ang pagkakasapak at napabagsak nya si Tony. Tsk tsk. Manong guard bakit kailangan mong manapak kung ang intensyon mo e umawat lang.”

“Nainggit lang ata ang guard sa kasikatan nya kaya nya nagawa na masapak ang sikat na c Tony dahil gusto nya na sya naman ang pag fiestahan. Malay nyo sisikat din cya.”

“Yung iba exaggerated na masyado pag nakakita ng artista. Saka bkit nasapak? Ibig sabihin may ibang sasapakin sana ung guard? Kasi si Tony tinamaan.”

“Di sadya kasi kita sa video na may humahawak din sa guard at bilang iniwas nya kamay at pagharang sa artista hindi nya sadya na masapak si Tony.”

“Grave parang sinadya talaga yung nangyari. Tsk! Ngpasikat din kase.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending