30 bahay natupok sa sunog sa QC

By Leifbilly Begas December 10,2018
share this

30 bahay natupok sa sunog sa QC

By Leifbilly Begas December 10,2018
share this

ISANG napabayaang kandila ang hinihinalang pinagmulan ng sunog na tumupok sa 30 bahay sa Quezon City kagabi.

Nagsimula ang sunog sa bahay ni Maricris Solis sa kanto ng Kalachuchi at Litex Rd., alas-7 ng gabi.

Walang kuryente sa bahay ni Solis matapos itong maputulan kaya kandila at gasera ang kanilang ginagamit.

Itinanggi naman ni Solis na may iniwan siyang nakasinding kandila nang umalis para magtinda ng barbeque at balot.

Tinatayang 55 pamilya ang nagsisiksikan ngayon sa basketball court. Umabot sa P300,000 ang halaga ng napinsala.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending