Kris reynang-reyna pa rin sa tv commercial; patok sa mga produktong para sa misis | Bandera

Kris reynang-reyna pa rin sa tv commercial; patok sa mga produktong para sa misis

Cristy Fermin - December 10, 2018 - 12:25 AM


PURO trabaho ang inatupag ni Kris Aquino nitong mga nakaraang linggo. Lahat ng trabahong hindi niya nagawa sa takdang panahon dahil sa mga inasikaso niyang personal na bagay-bagay ay ngayon pa lang niya tinatapos.

Mabentang-mabenta pa rin sa pag-eendorso ng mga produkto si Kris. Ang katwiran ng mga ahensiya ay positibo kasi ang resulta kapag ang aktres-TV host ang nagbebenta ng kanilang mga produkto sa publiko.

“Nata-translate ‘yun sa benta. Lumalakas ang pro-duct sa market, aprubado na ‘yun ng ahensiya kaya basta produktong pangmisis, si Kris agad ang kinukuha nilang endorser,” komento ng isang nakausap naming source na nagpapasok din ng mga talents sa paggawa ng TVC.

Wala nang bu-mabagabag sa kanya nga-yon, ipinaubaya na niya sa kanyang mga abogado ang mga kasong isinampa niya laban sa dati niyang katrabaho pati ang kasong libelo na ihinain niya laban sa kapatid nito.

Ayaw na niyang ma-stress, sayang ang kanyang panahon, sa halip na mapakinabangan niya ang oras para sa ikauunlad ng kanyang kabuhayan showcase ay nagagamit niya ‘yun sa mga bagay na puwede namang ang mga lawyers niya na lang ang tumututok.

At walang kasingsaya si Kris dahil mahabang panahon ang pinagsaluhan nilang mag-iina. ‘Yun ang ninakaw sa kanya ng mga isyung kinapalooban niya nitong mga huling buwan.

Halos ayaw nang humiwalay sa kanya nina Josh at Bimby, binabantayan siya ng magkapatid, lalo na ang kanyang kalusugan na salamat at umaayos nang mabuti ngayon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending