KAHIT nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng kanyang anak na si Teejay dahil sa cancer, “the show must go on” pa rin para sa award-winning veteran actor na si Tirso Cruz III.
Last week lang kasi pumanaw at inihatid sa kanyang huling hantungan si Teejay pero sa kabila ng pagdadalamhati, pinili pa rin ni Pip na dumalo sa media conference ng 2018 Metro Manila Film Festival movie entry na “Jak Em Popoy: The Puliscredibles.”
“I’m coping with the si-tuation, sabi nga nila sa showbiz, the show must go on no matter what. Dumarating ang mga tao para pagserbisyuhan natin ng magandang pelikula,” pahayag ng aktor nang tanu-ngin kung kumusta na siya matapos ilibing ang anak.
Dugtong pa niya, “Ito ang panahon na manonood ang mga tao, para ma-entertain, makapanood ng magandang pelikula kaya dapat naihihiwalay namin ang personal doon sa trabaho (namin bilang artista).”
“Kapag trabaho, trabaho. ‘Yung personal will come later and alam ko naman na likas sa atin na kapag may pinagdadanan ang tao, nauunawan nila ‘yun bagkus kami naman mga artista, ang tungkulin namin ibigay ang tungkulin namin, ibigay kung ano ang inaasahan ng mga tao,” aniya pa.
“Nagpapasalamat ako dahil natutunan ko sa kapwa ko artista, kapag may pinagdadaanan ka na mabigat, sarilinin mo muna at paglingkuran mo muna ang nagbigay sa ‘yo ng trabaho mo at tungkulin mo bilang artista,” saad pa ni Tirso.
Makakasama ni Pip sa 2018 MMFF entry na “Jak Em Popoy: The Puliscredibles” sina Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza at marami pang iba, sa direksyon ni Mike Tuviera. Bukod dito, kasama rin si Tirso sa isa pang filmfest entry this year, ang “Rainbow’s Sunset”.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.