Horoscope, December 10, 2018

By Madam Sophia December 10,2018
share this

Horoscope, December 10, 2018

By Madam Sophia December 10,2018
share this

Para sa may kaarawan ngayon: Isang taong malapit sa iyong puso ang lalapit at hihingi ng tulong, tulungan mo siya, sabi nga sa Paskong darating: “It is wonderful to get the answer of prayers, but it is even more wonderful when God converts you into an answer of somebody’s prayers.” Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 45, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yantra-Migeta-Om.” Gray at violet ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Kung bubuin mo ang Simbang Gabi mas mabilis na masosulusyunan ang mga problema. Sa pamamagitan ng taimtim na panalangin, matutupad ang iyong Christmas wish. Mapalad ang 1, 7, 26, 32, 41 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nirayana-Jiva-Om.” Green at red ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)— Sa pag-ibig ihahatid ka ng iyong emosyon sa isang batis na maligaya, dulot ng isang Virgo. Sa pinansiyal, haluan ng pagmamahal at lambing ang produktong may kaugnayan sa pagkain. Mapalad ang 6, 15, 24, 36, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Veda-Rata-Om.” Pink at silver ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Saraling diskarte ang ipatupad upang mas madaling yumaman. Sa pag-ibig, hindi dapat mainggit sa kaligayahan ng iba, maaari mo ring paligayahin ang iyong sarili kapag marami ka ng pera. Mapalad ang 6, 9 19, 27, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Keturu-Om”. Purple at magenta ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Hindi dapat pairalin ang emosyon at pagkatapos ay pagsisisihan mo ang iyong pasya. Sa pag-ibig maging tapat ka lang sa iyong sariling damdamin at makikita mo ikaw ay liligaya. Sa pinansyal, ano nga ba ang halaga ng salapi kung hindi mo naman ito iipunin. Mapalad ang 3, 13, 22, 36, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Om-Padme-Om”. Red at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Imbis na maging pera, magiging bato pa, kung magyayabang ka na naman, manatiling mapagpakumbaba, upang tuloy-tuloy na dumating ang mas marami pang mga pagpapala at magagandang kapalaran higit lalo na may kaugnayan sa pera. Sa pag-ibig, habang papalapit na ang kapaskuhan may biglaang romansang matitisod. Mapalad ang 2, 9, 20, 29, 31, at 49. Mahiwaga mong mantra: “ Aum-Kedemel-Hagiel-Om.” Yellow at violet ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Sa pag-ibig, i-sacrifice ang sariling kaligayahan, alang-alang sa iyong kasuyo na mareklamo at maangas pa. Minsan ganyan talaga ang buhay, kung sino ang ayaw mong makasama siya pa ang ibinibigay sa iyo ng tadhana. Sa pinansyal tuloy ang dating ng maraming pera. Mapalad ang 2, 17, 25, 34, 41 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We”. Green at orange ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Huwag bumili ng mga bagay na hindi masyadong kailangan. Pagdating ng araw magiging kalat at magiging basura lang yan sa inyong bahay. Panahon na para magtipid. Sa pag-ibig, matutuwa ang kasuyo, sa sandaling nalaman nyang marami ka na pa lang savings. Mapalad ang 8, 10, 28, 32, 35 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Tuloy ang pagiging dominante. Sa pagkakatong ito, hindi lamang mga tao ang madodominahan o mapapasunod mo. Pati ang kapalaran ay madodomihanan mo. Humiling ka ng kahit na ano, ipagkakaloob ito sa iyo ng langit. Mapalad ang 4, 13, 28, 37, 39 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Om-Dosya-Om.” Black at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa career may mga pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran sa pagpasok ng taong 2018, habang sa pag-ibig, maalaki ang tsansa na isang foreigner ang iyong makakatuluyan. Mapalad ang 1, 18, 23, 38, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Sucti-Suras-Asuras-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Wag mong silang intindihin ang mahalaga dahil sa iyong mga ginagawa at aktibidades tumatabo ka ng malaking halaga. Sa pag-ibig, pagpasensyan ang pagiging makulit ng kasuyong Aquarius. Mapalad ang 4, 19, 22, 32, 35 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sol-Dasya-Om.” Gold at orange ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag ubusin ang pera sa layaw at pagpapasarap sa buhay. Tandaan mong ang lahat ay lilipas din. Kung wala kang mabuting nagawa sa iyong kapwa, mawawalang kabuluhan din ang iyong buhay. Sa panahong ito ng kapaskuhan, sa bawat pagtulong at pamimigay ng regalo na gagawin mo dobleng biyaya ang mapapasa iyo. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 41 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agiel- Zazel-Yophiel”. White at blue ang buenas.

Pisces – (February 19 – March 20)—Ituloy ang kasalukuyang hanapbuhay at dagdagan pa ang pagsisipag, natatanglawan ng langit ang iyong ginagawa. Sa panahong ito ng kapaskuhan, doble at marami pang mga biyaya ang bubuhos sa iyong pagkatao. Mapalad ang 5, 18, 27, 35, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Dhar-Masya-Om.” Purple at lilac ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending