Gobyerno gagastos ng P9B sa 13K health professionals
GAGASTOS ang gobyerno ng P9 bilyon sa susunod na taon para sa pagpapakalat ng 13,000 health professionals sa mga lugar na nangangailangan ng serbisyo medikal.
Ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel kukuha ang Department of Health ng 9,138 nurse, 3,650 midwife, 243 doktor at 241 dentista para ipadala sa mga rural areas.
“The deployment is expected to proceed even in an extreme scenario wherein the government operates on a re-enacted spending program until February next year,” ani Pimentel.
Upang mapunan ang kakulangan ng tao ng DoH nangongontrata ito ng mga health professionals para sa mga programa nito gaya ng Doctors to the Barrios, Medical Pool Placement and Utilization Program, Registered Nurses for Health Enhancement and Local Service, Rural Health Midwives Program, at Rural Health Team Placement Program.
“We would urge qualified health professionals looking for gainful employment to sign up, so they can help underserved communities while getting paid well.”
Sa ganitong paraan ay matutulungan din ang mga health professionals na magkaroon ng karanasan na magagamit nila sa paghahanap ng trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.