Mystica hindi raw totoong naghihirap: Ipakulong n’yo na ‘yan, Sir Raffy Tulfo!

By Alex Brosas December 09,2018
share this

Mystica hindi raw totoong naghihirap: Ipakulong n’yo na ‘yan, Sir Raffy Tulfo!

By Alex Brosas December 09,2018
share this


GALIT na galit ang netizens kay Mystica dahil sa kumalat na video where she seems to have faked her kahirapan.

Sa video kasi na kuha sa kotse na dina-drive ng dyowa niya, tawa nang tawa si Mystica while talking to her boyfriend.

“Maghahanap muna tayo ng trabaho bago…manawagan muna tayo para makabalik tayo sa showbiz. Para makapag-bash. Kailangan iiyak ka. Tingnan mo ready na dapat ako, eh. Iyak ka.

“Sayang, napurnada ‘yun iyak ko. Ready na dapat ako magdrama, eh. Nananawagan po kami. Wala na po kaming panggastos. May kotse nga po kami pero wala kaming gas.”

‘Yan ang mga dayalog ni Mystica in beween laughter. Pati nga ang dyowa niya ay tawa rin nang tawa.

With that, parang pinalalabas nila na fake ang kanilang paghihirap. Matapos matsugi sa FPJ’s Ang Probinsyano, humingi ng tulong si Mystica kay Michael V and later kay Dingdong Dantes. Wala namang nangyari sa kanyang panawagan dahil sinabi ni Bitoy na wala sa kanya ang desisyon.
Of late, nanawagan siya kay Raffy Tulfo. Galit na galit ang netizens sa video ni Mystica at dyowa nito.

“Yung gusto mong tulungan ayan oh…pwede ba sir Raffy wagas wagasan mo na lang yung tulong mo sa kanya lagay mo na lang sya sa loob nang rehab or mental.”

“Sir Raffy wag na wag n’yo pong papalampasin ang pangbabastos nitong babae sa kabutihan ninyo! Ipakulong ninyo po! Grrrrr! Kakagigil.”

“Adik ba yan? Nakakainis yung ganito pinagloloko ka lang samantala handang tumulong yung pinuntahan nya , nakakagigil ding itong bold star na to. Makarma ka sana.”

“Malala na talaga yang babaeng yan. My sayad. Papansin. Nakakaawa ka na nakakainis. Dahil nga sa ugali mong papansin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending