JAMES nasolo rin si BIMBY; KRIS walang reklamo
Ang daming natuwa at finally ay nagkasama na sina James Yap at Bimby.
Out of excitement perhaps ay nag-post kaagad si James ng photo na kasama niya ang anak while having a joyride.
Obviously, haping-happy si James dahil finally ay nabigyan na siya ng pagkakataon na makapiling ang kanyang anak.
Marami ang natuwa na followers ni James nang makitang magkasama ang mag-ama kahit na konting sandali lamang.
I’m sure kahit si Kris ay sasang-ayon na isa ito sa pinakamagandang nagawa niya para kay Bimby – ang magkaroon uli ng father figure ang kanyang anak.
So, we believe na walang pagsisisi si Kris sa desisyong makipagkasundo sa dating mister.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.