Gen. Bato pabor sa same sex marriage, death penalty

By Jun Nardo December 07,2018
share this

Gen. Bato pabor sa same sex marriage, death penalty

By Jun Nardo December 07,2018
share this

RONALD “BATO” DELA ROSA AT ANGEL LOCSIN

 

Pasok naman si Angel Locsin sa panlasa ni Gen. Ronald “Bato” dela Rosa sa mga aktres na hinahangaan niya.

Ibinida ito ng retiradong heneral nang makausap ng ilang entertainment press nitong nakaraang araw.

Ayon pa sa dating PNP Chief, kung isasalin sa big screen ang kanyang buhay, gusto niyang si Robin Padilla ang gumanap sa kanyang karakter. Nais naman ng asawa niya na si Sharon Cuneta ang lumabas bilang leading lady ni Binoe dahil hangang-hanga siya sa Megastar.

Of course, alam na ng publiko ang pagtakbo ni Gen. Bato sa senado next year. Para sa kanyang advocacy gusto niyang ibalik ang death penalty para sa mga drug traffickers at hindi sa mga drug user at pusher.

“Doon na na lang sila sa ibang bansa gawin ang drug trafficking, Wag na dito sa atin!” ang warning ni General Bato.

Pagdating sa same sex marriage o union ng magkaparehong gender, pabor ang general sa panukalang ito.

“Kung saan sila masaya, ibigay natin ang gusto nila!” bulalas ng heneral. Dagdag pa niya, ang mahalaga ay ang kaligayahan ng mga bading at lesbian na wala namang ginagawang masama sa kapwa.

Naku, sa rebelasyon ni Gen. Dela Rosa sa pakikipagchikahan niya with the press, siguradong mamahalin talaga siya ng LGBTQ Community. Biro pa nga niya nang mapag-usapan ang mga kapatid nating beki,

“Mura pa ang baby oil noon! Ha! Ha! Ha!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending