Maine reynang-reyna pa rin sa Twitter; AlDub itinanghal na ‘most tweeted about loveteam’

By Jun Nardo December 07,2018
share this

Maine reynang-reyna pa rin sa Twitter; AlDub itinanghal na ‘most tweeted about loveteam’

By Jun Nardo December 07,2018
share this

ALDEN RICHARDS AT MAINE MENDOZA

REYNANG-REYNA na naman sa Twitter Philippines si Maine Mendoza na pinangalanang 2018 Most Tweeted About Filipino Celebrities, huh!

Number 1 ang puwesto niya habang number 4 naman ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

“Filipinos love to stay informed as much as they love to talk about their favourites and latest gossips. No wonder why the Filipinos favourite @mainedcm clinched the highest place once again in the most tweeted about Filipino celebrities,” tweet ng Twitter Philippines.

Pagdating sa loveteams, of course, nangunguna pa rin ang AlDub nina Meng at Alden na patuloy na sunusuportahan ng mga Dabarkads sa noontime show ng GMA 7 na Eat Bulaga at pagdating naman sa “most tweeted about hashtag”, number 5 ang hashtag na #MaineMendoza, huh!

Narito ang comment ng Phenomenal Star sa inilabas na report ng Twtter PH, “Waoah there!!! Thank you guys!”

Samantala, sa online poll naman ng isang entertainment blog para sa Sexiest Man in the World 2018, pasok sa Final Battle si Alden dahil siya ang ikaanim sa listahan.

Kalinya lang naman niya sina Chris Pine (USA), Jungkook (Korea), Krist Perawat (Thailand), Kai (Korea) at Pietro Roselli (Italy). Ang four channels na ginamit sa botohan ay on line, Twitter, Instagram at Facebook.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending