Jessy 2 years naging biktima ng cyber bullying

By Bandera December 07,2018
share this

Jessy 2 years naging biktima ng cyber bullying

By Bandera December 07,2018
share this

JESSY MENDIOLA

Hindi nagkulang ng suporta si Luis Manzano sa girlfriend niyang si Jessy Mendiola noong panahong inatake siya ng matinding depresyon dahil sa pamba-bash sa kanya sa social media.

Sa presscon ng 2018 MMFF entry niyang “The In The Orange Dress” kasama si Jericho Rosales, nagpasalamat si Jessy kay Luis dahil hindi siya iniwan nito noong may pinagdaraanan siya.

“Pakiramdam ko kasi hindi talaga ito (showbiz) para sa akin. Siyempre yung sa lahat ng negative comments for the past two years, parang pakiramdam ko na hindi talaga ito right for me, kaya nag-isip na din ako umalis or mag give-up,” ani Jessy.

“Siguro mga two weeks after na nag-decide ako, na dumating naman ang project na ito (MMFF),” aniya pa.

Isa rin si Luis sa mga kinokonsulta niya sa mga bagay-bagay, “Yes tinatanong ko sa kanya lahat, sine-share ko lahat sa kanya ng saloobin ko about showbiz, lalo ngayon sa panahon ng social media, malala na ang negativity.”

“Kasi sa sobrang negativity sa buhay mo gusto mo na lang talikuran lahat, pero he’s very supportive sa lahat ng decision ko, noong sinabi ko na gusto ko na mag-give up sabi niya ‘sige bumalik ka sa gusto mo gawin, susuportahan kita,’” sey pa ng aktres.

Showing na ang “The Girl In The Orange Dress” sa Dec. 25 bilang bahagi ng 2018 MMFF.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending