Zsa Zsa tuluyan nang nag-resign sa ASAP

By Reggee Bonoan December 07,2018
share this

Zsa Zsa tuluyan nang nag-resign sa ASAP

By Reggee Bonoan December 07,2018
share this

ZSA ZSA PADILLA

Ilang linggo nang pinag-uusapan ang pagkawala ni Zsa Zsa Padilla sa bagong reformat na ASAP na naging ASAP Natin ‘To.

May mga nagsabing hindi na talaga kasama ang TV host-singer-actress sa programa pero depensa naman ng isang taga-Dos ay ang Divine Diva raw mismo ang hindi sumipot sa nakaraang launching nito tatlong linggo na ang nakararaan.

Hanggang sa nalaman naming nag-resign na pala talaga si Zsa Zsa sa show dahil may bago na siyang pinagkakaabalahan, ang pag-aasikaso ng itatayong farm nila ng fuure husband niyang si Conrad Onglao.

At dahil wala namang nakakausap si Zsa Zsa sa entertainment media ay sumakto na nakatsikahan namin ang panganay niyang si Karylle Tatlonghari-Yuzon sa launching ng Christmas single nila ng Indonesian singer na si Jeremy Calvin na may titulong, “It’s Christmas Time.”

Sinimplehan namin ng tanong It’s Showtime host kung kumusta na ang mama niyang si Zsa Zsa at mabilis naman kaming sinagot ng, “She’s good.”

Sundot namin kung napag-usapan ba nila ang tungkol sa ASAP, tinitigan muna kami ng TV host-singer sabay tawag sa kanyang publicist na si Gian Carlo Vizcarra para bantayan kami. Ha-hahaha!

Say ni Karylle sa amin, “Kinorner mo talaga ako. It’s Chrismas time!”

Hirit naman ni Gian sa amin, “Alam mo, nu’ng wala ka pa, hindi naman ako hinahanap ni K (palayaw ni Karylle), nu’ng dumating ka bigla akong hinanap. Ano na naman ba pinagtatanong mo?”

Anyway, malumanay pa ring sinagot ni Karylle ang mga tanong namin tungkol sa kanyang ina at inamin niyang napag-usapan daw nila ang tungkol sa ASAP.

“Siyempre naman, close kami no? Ha-hahaha! My mom always have me. Nothing is final, so I can’t really say anything right now. Wait-wait lang tayo,” pahayag pa ni K.

Bukas, abangan ang iba pang issue na napag-usapan namin ni Karylle.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending