Hugot ni Jericho: Nami-miss ko rin yung maging normal na tao | Bandera

Hugot ni Jericho: Nami-miss ko rin yung maging normal na tao

Reggee Bonoan - December 07, 2018 - 12:10 AM

JERICHO ROSALES

“ON his way to St. Lukes now.” Ito ang sagot sa amin ng isang source kahapon nang hingan namin ng update tungkol kay Jericho Rosales na tinamaan ng dengue.

Matatandaang dinala sa ER si Echo pagkatapos nang grand presscon ng pelikulang “The Girl In The Orange Dress” nitong Martes dahil apat na araw na pala siyang nilalagnat.

Hindi kinailangang i-confine ang aktor kaya pinauwi siya at pinagpapahinga ng dalawa hanggang tatlong araw bago siya ulit magpapa-CBC (complete blood count).

Iisa ang panalangin ng lahat na sana’y tumaas na ang platelets ni Echo dahil delikado nga ang dengue.

Kuwento naman ng Quantum Films producer na si Atty. Jojie Alonso ay, “Praying for him to be better.

Napaka-treacherous ng dengue. Hindi lang siya nagpahalata but ang init niya no’n. Nagulat ako when I touched his forehead. Sobrang taas ng respeto niya sa press. Ayaw niyang mag-absent sa presscon.”

Sinubukan din naming kumustahin ang aktor sa kanyang Instagram account pero hindi pa niya kami sinasagot.

Anyway, sa grand presscon nga ng “The Girl In The Orange Dress” ay tinanong si Jericho kung “nailang” ba siya sa kissing scenes nila ni Jessy Mendiola dahil nga kaibigan niya ang boyfriend nitong si Luis Manzano.

“Of course, but it all falls under respect. I think Luis would understand that hindi naman siya ‘yung parang bago na or hindi naman siya pulitiko na hindi niya maiintindihan at normal na tao naman siya para hindi niya maintindihan.

“But I do respect obviously all my leading ladies, I don’t wanna feel at the end of the day na I took advantage of something or someone, huwag naman ganu’n,” pahayag ng aktor.

Nalaman din namin na kapag wala pala sa harap ng camera si Echo ay mabutinting siya sa bahay nila.

“I do miss being normal na tao, I experienced that when I come home. Pag-uwi ko walang mga toro-torotot at confetti. I’m a normal person, I’m a husband, pet master, I clean the garage, I clean my room, I clean everything. I do enjoy those moments that’s why I really miss a lot,” kuwento ng hubby ni Kim Jones.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “The Girl In The Orange Dress” sa Dis. 25 na kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival ng Quantum Films, Star Cinema at MJM Productions.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending