Palasyo dedma sa panawagang drug test ni Trillanes kay Du30

By Bella Cariaso December 06,2018
share this

Palasyo dedma sa panawagang drug test ni Trillanes kay Du30

By Bella Cariaso December 06,2018
share this

DEDMA ang Palasyo sa muling panawagan muli ni Sen. Antonio Trillanes IV na sumailalim si Pangulong Duterte sa drug test.

“I think, he should be the one to undergo that,” sabi Presidential Spokesperson at Chief Legal Counsel Salvador Panelo.

Nauna nang hinamon ni Trillanes si Duterte na magpa-drug test matapos namang sabihin na siya ay nagma-marijuana para manatiling gising, bagamat sinabing joke lamang ito.

“Hindi niya papatulan iyon,” ayon pa kay Panelo.

“Nagtataka nga ako bakit pinapatulan ninyo siya eh. Hindi kailangan, eh talaga namang—look at this person, this President, malakas. Sinasabi naman niya naman sa atin kung ano ang diperensiya niya eh,” ayon pa kay Panelo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending