Kris ayaw maging basketball player si Bimby; takot sa away | Bandera

Kris ayaw maging basketball player si Bimby; takot sa away

- December 05, 2018 - 12:30 AM


KUNG si Kris Aquino ang masusunod, hindi niya papayagan ang bunsong anak na si Bimby na maging basketball player.

Ayon sa Social Media Queen, hangga’t maaari ay ayaw niyang sumabak sa mga team sports ang anak dahil baka kung masaktan daw si Bimb habang naglalaro ay baka hindi niya makontrol ang kanyang sarili at makasakit din siya.

Hindi naman kasi imposibleng pasukin din ng bagets ang mundo ng basketball dahil sa kanyang amang si James Yap na itinuturing ding hardcourt superstar noong kasagsagan ng career nito sa PBA.

Sa isang Instagram post ni Kris, isang netizen ang nagkomento na napakatangkad na ni Bimby ngayon kasabay ng pagtatanong kay Kris kung papayag ba siyang maging cager din ang anak.

“OMG, ang tangkad pala ni Bimb. Biglang laki. Hindi pa ‘yan I think growth spurt kasi ang bata pa niya. Would you let him do basketball?” ang tanong ng IG follower ni Tetay.

Ito naman ang diretsong sagot ng mommy nina Bimby at Joshua, “I’ve said this – ayoko ng team sports because kung masiko or makipag-suntukan ang bunso ko, everyone close to me knows – susugurin ko yung mom nung nanakit and baka mawala lahat ng endorsements namin because for sure, kung anong nagawa ko sa bagwa sa Feng Shui, yun din ang magagawa ko if my baby gets hurt.”

Ang tinutukoy ni Kris ay ang blockbuster horror movie niya noong 2004 na “Feng Shui”.

Hirit pa ni Kris, “I feel swimming will be the safest because [it’s] stay in your own lane. I thought of gold but Bimb has asthma and allergic rhinitis so that got crossed out. I love tennis, but Bimb’s not interested. Sila ni kuya (Josh) are natural water babies – effortless for them to swim. I can barely float.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending