Wish ni Sylvia para kina Arjo at Ria natupad na | Bandera

Wish ni Sylvia para kina Arjo at Ria natupad na

Reggee Bonoan |December 04,2018
facebook
share this

Wish ni Sylvia para kina Arjo at Ria natupad na

Reggee Bonoan - December 04, 2018 - 12:35 AM


“HAHAHA! Overjoyed! Pagkapanood ko nito napasigaw at tumulo na lang luha ko, goosebumps!!! Isa ito sa mga pinangarap ko #thankuLORD!” Ito ang bahagi ng Instagram post ni Sylvia Sanchez tungkol sa pagbibida ng dalawa niyang mga anak sa Maalaala Mo Kaya.

“Maraming maraming salamat #mmk #abscbn sobra sobra po ang sayang nararamdaman ko ngayon bilang ina salamat po! #bucketlist? Abangan! Sa Dec 8 na po. #mmk #mmkria #mmkarjo #mmkarjo&ria #Proudmom.

“Binabalik ko po ang papuri sayo Panginoong JESUS!” ang kabuuan ng post ni Ibyang kahapon.

Matagal nang pangarap ni Sylvia na mapanood sa isang programa ang mga anak na sina Arjo at Ria Atayde at matutupad na nga ito sa MMK ngayong Sabado, Dis. 8.

Sa tuwing matatanong si Sylvia kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa mga susunod niyang proyekto ay parati niyang sinasabi na sana’y mabigyan siya ng pagkakataong makasama ang mga anak sa teleserye at nangyari naman ito.

Noong 2015 ay nagkasama sina Ria at Ibyang sa teleseryeng Ningning at nitong 2017-2018 ay si Arjo naman ang nakasama niya sa Hanggang Saan. At ang dalawa sa kanyang bucket list ay magkasama silang tatlo sa pelikula at mapanood sina Arjo at Ria together sa isang project.

Nang malamang magsasama sa MMK ang mga anak ay agad niyang ibinalita sa kanyang asawang si Art Atayde na tuwang-tuwa rin sa good news ng misis.

Narito naman ang IG post ni tungkol sa MMK guesting nila ni Arjo, “After about two months of planning, we were finally able to shoot our MMK episode and I’m so excited for all of you to see it at the end of this week since I joined the industry, I wanted nothing more than the opportunity to work with @arjoatayde so this is another dream come true.

“Thank you @mmkofficial for not only letting us bring to life the beautiful story of environmentalists Armin and Rosedel Marin but for also reminding us that this country’s beauty and future are definitely worth fighting for. Please catch our episode, under the direction of Direk Giselle Andres, this December 8 (Saturday) at 8:30 p.m. on ABSCBN.”

At isa pang labis na ikinagagalak ng mag-asawang Art at Sylvia ay parehong kasama ang kanilang mga anak sa 2018 Metro Manila Film Festival. Kasama si Ria sa “The Girl In Orange Dress” habang si Arjo naman ay kasama sa “Jack Em Popoy: The Puliscredibles”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending