Vice Ganda umamin na sa tunay na feelings: 'Calvin is my sunshine!' | Bandera

Vice Ganda umamin na sa tunay na feelings: ‘Calvin is my sunshine!’

|December 03,2018
facebook
share this

Vice Ganda umamin na sa tunay na feelings: ‘Calvin is my sunshine!’

- December 03, 2018 - 12:20 AM


KAHIT hindi diretsong aminin ng Unkabogable Star na si Vice Ganda na magdyowa sila ni Calvin Abueva, kitang-kita naman sa kanyang aura na very happy ang kanyang lovelife.

Ilang beses nang sinabi ng TV host-comedian na special friendship lang ang meron sila ng sikat na PBA player pero parang wala namang naniniwala sa kanya.

Sa katunayan, mas na-feel ng madlang pipol ang pagmamahalan nila ni Calvin nang aminin ni Vice sa isang episode ng Showtime ang tunay na nararamdaman niya para sa basketball player.

Napagkatuwaan kasi sa noontime show ng ABS-CBN ang version ni Moira dela Torre na “You Are My Sunshine” at tinanong ni Vice isa-isa ang kanyang co-hosts at ilang members ng audience kung sino ang kanilang “sunshine” sa tunay na buhay.

Sa ending, si Vice naman ang tinanong ng madlang pipol kung sino ang “sunshine” niya ngayon, at walang kaabug-abog siyang sumagot ng, “My sunshine is Calvin!”

Palakpakan ang madlang pipol habang isinisigaw ang pangalan ni Abueva. Pero biglang bawi ni Vice, “Siya iyong closest friend ko ngayon. Siya iyong lagi ko nakakasama.

“Pero di ba, your sunshine can be your loved one, your family, your special friend, and your pet,” hirit pa ni Vice.

Kung matatandaan, huling nag-date sina Vice at Calvin sa Boracay last week kung saan nakasama rin nila ang nanay ng TV host. Balitang aprubado naman nito ang relasyon ng rumored couple kaya mas lalong nakumpleto ang kaligayahan ni Vice.

In fairness, kahit ang mga friends ni Vice at mga co-hosts sa Showtime ay mukhang botong-boto rin sa relationship nila ni Abueva.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending