Kasalang Kylie-Aljur tuloy na, prenup photo shoot bumandera
WALA na ngang urungan ang kasalan nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica. Ito’y matapos ibandera ng Kapuso actress ang isang litrato na kuha sa prenup shoot nila ng kanyang future husband.
Kasama nina Kylie at Aljur sa nasabing Instagram photo ang mga taong tumulong sa kanila para sa kanilang prenup photo shoot na ginanap kamakailan. Bukod pa rito ang black and white photo nila together.
Sa caption ni Kylie sa litrato kung saan suot nito ang kanyang all white wedding gown habang naka-puting long sleeves at black pants naman si Aljur, sinabi nitong satisfied sila ni Aljur sa kinalabasan ng kanilang mga pictures.
Aniya, “Thank you so much to this team. We had our official prenup pictorial & video shoot yesterday and we are so happy with your works of art!!!”
Pagpasok pa lang ng 2018, namanhikan na ang pamilya ni Aljur kina Kylie. Personal na hiningi ng aktor ang kamay ng kanyang partner sa tatay nitong si Robin Padilla. Nang tanungin kung kailan magaganap ang kasal, sagot ni Kylie, “It would happen ‘sooner than you think.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.