Jake Zyrus hindi apektado kung wala sa kasal ang sariling pamilya | Bandera

Jake Zyrus hindi apektado kung wala sa kasal ang sariling pamilya

Reggee Bonoan |December 03,2018
facebook
share this

Jake Zyrus hindi apektado kung wala sa kasal ang sariling pamilya

Reggee Bonoan - December 03, 2018 - 12:20 AM


HINDI  na raw magtataka si Jake Zyrus kung hindi pupunta sa kasal nila ni Shyre Aquino ang kanyang pamilya.

Alam naman daw ng lahat na hanggang ngayon ay hindi pa talaga naaayos ang kung anumang hindi nila pagkakaintindihan na nag-ugat sa pag-amin niya bilang isang transman.

Ayon kay Jake sa panayam ng ABS-CBN, imbitado naman ang lahat ng mahal niya sa buhay pero maiintindihan din niya kung absent sa wedding niya ang family niya.

“You guys all know my family. Alam n’yo na how they talk, alam n’yo na ang perspective nila when it comes to me, with my se-xuality, with everything.

“So I wouldn’t be surprised kung wala sila roon and it wouldn’t hurt at the same time. Kasi again, I know my family and I’ve accepted them, I’ve accepted it. Whatever it is kung ano ang relasyon namin,” pahayag pa ni Jake na in-announce nga kamakailan na engaged na sila ng kanyang girlfriend.

Aniya, pinag-uusapan na raw nila ni Shyre ang ilang detalye sa kanilang magiging kasal.

Bukod dito, ibinalita rin ni Jake na invited din sa wedding niya ang Hollywood star na si Oprah Winfrey na naging malapit din sa kanya noong nagsisimula pa lang ang kanyang international career bilang Charice.

“Kung hindi siya busy, magpa-private jet lang ‘yon. Halos lahat naman ng espesyal sa buhay ko ay invi-ted, kung mangyayari ay kumpleto na po ang lahat,” sabi pa ng singer.

q q q

Ang inaabangang pagsabak ni Regine Velasquez sa Kapamilya talent show bilang hurado at ang pagbabalik-primetime ni A-ngel Locsin ang ilan sa malalaking balitang hinatid ng “Family is Love Christmas Trade Event” ng ABS-CBN kamakailan.

Ipinasilip sa nasabing trade event ang star-studded na The General’s Daughter, kung saan gaganap na sundalo si Angel na mahihiwalay sa kanyang pamilya sa murang edad. Gagamitin siya ng mga kalaban ng kanyang pamilya para pabagsakin sila. Kasama rin sa teleserye ang mga batikang aktor na sina Albert Martinez, Eula Valdez, Janice de Belen, Tirso Cruz III at Maricel Soriano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Idol Philippines at World of Dance Philippines naman ang mga bagong reality talent shows ng ABS-CBN na hango sa mga popular na ta-lent search shows sa ibang bansa. Ang mananalo sa World of Dance PH ay may chance makapag-audition sa World of Dance sa US. Kabilang din sa line-up ng reality game shows and pagbabalik ng Minute to Win It: Last Man Standing.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending