Abby sa Makati, Isko sa Maynila – NCR survey | Bandera

Abby sa Makati, Isko sa Maynila – NCR survey

Jake Maderazo - December 03, 2018 - 12:15 AM

DITO sa Metro Manila,pinag-uusapan nang husto ang “November survey” ng grupo ni Ms. Malou Tiquia ng
Publicis Asis.
Kung ngayon ang eleksyon, sabi ng kanilang 1,800 respondents, mananalo sa Quezon City si Vice mayor Joy
Belmonte (59 percent) kay Cong. Bingbong Crisologo (17 percent).
Sa Mandaluyong 86 percent si Mayor Carmelita Abalos samantalang sa Caloocan ay 90 percent si Mayor Oscar Malapitan. Sa Las Piñas, 68 percent si Imelda Aguilar, samantalang 76 percent naman si Pasig mayor Bobby Eusebio vs. 8 percent lang kay Vico Sotto, anak ni Bossing Vic.
Sa Taguig, patok si Director Lino Cayetano (76 percent) gayundin si Mayor Jaime Fresnedi (61 percent) sa
Muntinlupa.

Lamang din si Rep.Toby Tiangco ng Navotas (54 percent) at Pasay Rep. Imelda Calixto-Rubiano (47 percent). Sa Valenzuela, 96 percent si mayor Rex Gatchalian at sa Pateros, 52 percent si Miguel Ponce at ganoon din si mayor Edwin Olivares ng Parañaque, 46 percent.
Sa Makati, malayo si Mayor Abby Binay (67 percent) sa kapatid na ex-mayor Junjun Binay (20 percent)
kahit maraming konsehal ang tumiwalag sa kanya. Malaki rin ang lamang ni Malabon mayor Lenlen Oreta (50 percent) vs. Jennie Sandoval (32 percent).

At dikitan naman ang laban sa San Juan nina Councilor Janella Estrada, anak ni Ex Sen Jinggoy (44 percent) vs
Vice mayor Francis Zamora (43 percent).

Sa Maynila, nakalalamang si ex-Vice Mayor Isko Moreno (47 percent) kina ex-Mayor Alfredo Lim (29 percent)
at Mayor Erap Estrada (21 percent).

Sobra pa sa apat na buwan bago maghalalan at dito aandar na ang makinarya ng magkakalabang panig. At maraming pamilyang nagbebenta ng kanilang boto ang siguradong magpipyesta.

***

Maraming puna ang tinatanggap ng PNP sa umano’y “impunity” o pagpatay sa mga inosenteng drug suspects at
maging sa mga pag-abuso ng kapangyarihan. Isa na rito ang pagpatay kay Kian de los Santos.

Ilang ulit nating nakita ang maraming police community precincts na sangkot sa robbery extortion/kidnapping
at maging “rape” ng mga babaeng suspects at mga kaanak.

Nakakagimbal na mga krimen pero ang positibo rito, malalakas na ang loob ng mga nagrereklamo.

Bukod dito, mabilis din ang aksyon ng korte tulad ng Caloocan RTC na humatol ng guilty sa tatlong pulis
Kalookan na pumatay kay Kian.

Nandiyan din ang malakas na PNP counter-intelligence force na marami na ring napatay na mga tiwaling pulis,
bukod pa sa aktwal na panghuhuli at pagkaso sa kanilang kabaro.

Huwag din nating isantabi ang pagsisikap nina PNP NCRPO chief Guillermo Eleazar at PNP Director Gen. Oscar
Albayalde sa halos araw-gabing pagdidisiplina sa mga “corrupt’ at abusado nilang pulis.

Noong panahon ni PNoy, masyadong mataas ang “crime index” dahil sa nagkalat na adik at siga na hawak
ng mga tiwaling pulis.
“Untouchable” sila dahil ang kultura ng PNP noon ay kampihan ng kabaro. Hindi ka pwedeng magreklamo dahil pwede ka nilang patayin. Hindi ka ligtas noon sa kalye, sa kanto at maging sa loob ng bahay mo.

Kaya naman, dama ng taumbayan ang pagbabago. Nangalahati nang husto ang bilang nga krimen dito sa NCR.
Oo may mga abusadong pulis, pero sila’y hinahatulan na ngayon ng korte o kaya’y itinutumba ng mas
maraming matitinong pulis.

Meron pa ring mga patayan, pero nakararami rito ay mga kriminal, adik o tiwaling pulis.
Siyempre, may mga nadadamay na inosente tulad ni Kian, pero nakararami na ngayon ang umiiwas sa droga para hindi madisgrasya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa madaling salita, mas gusto ko ngayon ang PNP na mababa ang “crime index” kaysa sa PNP ng mga nakaraang
administrasyon na sibilyan lagi ang biktima ng mga adik at kriminal na pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending