PH 5 must win sa laban kontra Iran | Bandera

PH 5 must win sa laban kontra Iran

Melvin Sarangay - , December 02, 2018 - 06:56 PM

Laro Ngayong Lunes (December 3)
(Mall of Asia Arena)
7:30 p.m. Philippines vs Iran

MAGBABALIK aksyon ngayon para sa Team Pilipinas ang combo guard nitong si Jayson Castro sa laro kontra Iran ngayong Lunes ng gabi sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian qualifiers sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Malaking tulong si Castro sa Team Pilipinas dahil nasa must-win situation ang Pinoy cagers sa laban nito kontra Iran. Magmumula ang PH 5 sa nakakagulat na 92-88 pagkatalo sa Kazakhstan noong Biyernes ng gabi.

Ang 32-anyos na si Castro, ang isa sa pinakamahusay na point guard sa Asya, ay hindi nakalaro sa huling tatlong laro ng Pilipinas matapos mapatawan ng tatlong laro na suspensyon dahil sa nangyaring kaguluhan kontra Australia sa larong ginanap sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan noong Hulyo.

Maliban kay Castro, magbabalik aksyon din para sa national team sina Troy Rosario at Arwind Santos, na kabilang sa 12-man lineup na inanunsyo ng Samahang Basketbol ng Pilipinas Linggo ng hapon.

Si Rosario ay manggagaling din sa tatlong laro na suspensyon gaya ni Castro habang si Santos ay isusuot muli ang PH tricolors magmula noong 2009.

Makakakasama ng tatlo sa PH 5 roster sina Japeth Aguilar, Beau Belga, June Mar Fajardo, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, LA Tenorio, Scottie Thompson, Matthew Wright at Christian Standhardinger.

Ang Fil-German big man na si Standhardinger ang magsisilbing naturalized player ng koponan kapalit ni Stanley Pringle na naglaro kontra sa mga Kazakh.

Sina Castro, Rosario at Santos ay pinalitan naman sina Alex Cabagnot, Greg Slaughter at John Paul Erram.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending