Pangako ni Coco sa mga OFW sa Canada: Tatambling pa ako para lang mapasaya sila! | Bandera

Pangako ni Coco sa mga OFW sa Canada: Tatambling pa ako para lang mapasaya sila!

Reggee Bonoan |December 02,2018
facebook
share this

Pangako ni Coco sa mga OFW sa Canada: Tatambling pa ako para lang mapasaya sila!

Reggee Bonoan - December 02, 2018 - 12:15 AM


NGAYONG araw magaganap ang Kapamilya Fiesta World sa Vancouver, Canada kung saan makakasama ng ating mga kababayan roon ang Teleserye King na si Coco Martin.

Ang grupo ni Coco sa Team Probinsyano ang magbibigay saya sa mga kapwa-Pinoy na susugod sa PNE Vancouver Forum Canada. Sa panayam ng ABS-CBN, sinabi ng aktor na espesyal ang pagbabalik niya sa Canada.

“Unang-una siyempre excited ako dahil I’m sure magbabalik alaala ako roon dahil sabi ko nga before ako nag-artista nagtrabaho ako noon sa Canada, nag-OFW ako. Nagtrabaho ako roon bilang janitor,” pahayag ni Coco.

“At ngayon makakabalik ako para makapagpasalamat sa mga kababayan natin doon, sa lahat ng mga kababayan nating Filipino sa suportang ibinibigay nila sa FPJ’s Ang Probinsyano sana mapasaya namin sila.

“Sisiguraduhin namin na mag-eenjoy sila. Tatambling pa ako para sa kanila,” natatawang sabi pa ni Coco.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending