Kris Bernal ayaw nang umasang mananalo ng best actress award | Bandera

Kris Bernal ayaw nang umasang mananalo ng best actress award

|December 02,2018
facebook
share this

Kris Bernal ayaw nang umasang mananalo ng best actress award

- December 02, 2018 - 12:05 AM

KRIS BERNAL

HINDI na umaasa si Kris Bernal na mabibigyan ng award para sa bago niyang afternoon series na Asawa Ko, Karibal Kosa GMA.

Basta ang mahalaga raw ay maibigay niya ang kanyang best sa lahat ng eksenang ginagawa niya ngayon at marami silang manonood na nae-entertain.

“Happy ako kasi ibang concept ang show namin ngayon at siyempre nasa pang-hapon. Alam naman natin ang panghapon ng GMA,” ani Kris.

Happy din siya dahil naktrabaho niya si Rayver Cruz, “First show niya sa amin and iba nga yung konsepto. Pero may time talaga na nakakapagod siya (role as Rachel).”

Inamin ni Kris na umasa siyang makakatanggap ng award noong ginawa niya ang Impostora dahil sobrang hirap ng role niya, “First time ko ring magtaray, maging kontrabida, but then, wala (award).

“So, nawala na, feeling ko hindi na. Hindi sa nega ako, ha. Pero sa eleven years, ang dami ko namang nagawang role. Never naman akong nabigyan ng recognition for a role.

“Itong sa Asawa Ko, Karibal Ko, siyempre bida, iyakin, api-apihan, ilang beses ko na nagawa. Hindi naman ako umaasa na mabibigyan ako,” aniya pa.

Patuloy na subaybayan ang Asawa Ko, Karibal Ko sa GMA Afternoon Prime pagkatapos ng Eat Bulaga dahil mas matitindi pang eksena ang inyong mapapanood lalo na ngayong desperada na si Venus (Thea Tolentino) na agawin si Gavin (Rayver) kay Rachel.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending