Instagram photo ni Maymay ni-like uli ni Tyra Banks | Bandera

Instagram photo ni Maymay ni-like uli ni Tyra Banks

|December 02,2018
facebook
share this

Instagram photo ni Maymay ni-like uli ni Tyra Banks

- December 02, 2018 - 12:05 AM


IBANG level na talaga si PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata! E, kasi nga muli niyang nakuha ang atensyon ng international supermodel na si Tyra Banks.

Isang Instagram fan page (@just_love_mayward), ang nag-post ng litrato ni Maymay katabi ang picture ni Tyra Banks kamakailan. Sa nasabing IG photo, ginaya ni Maymay ang posing ng supermodel.

In fairness, nang makita ni Tyra ang nasabing IG photo, agad niya itong ni-like kaya naman tuwang-tuwa ang milyun-milyong supporters ni Maymay. Habang sinusulat namin ang balitang ito, daan-daan na ang nag-like sa nasabing litrato.

Hindi ito ang unang pagkakataon na ni-like ng sikat na international model ang litrato ni Maymay, napansin din ni Tyra ang isang IG photo ng ka-loveteam ni Edward barber na kuha sa Star Magic Ball.

Nitong nakaraang linggo lang, natupad din ang matagal nang pangarap ng dalaga na rumampa sa isang fashion event. Naging bahagi siya ng Arab Fashion Week sa Dubai.

Sabi nga ni Maymay, “Nakakaiyak lang isipin na dati pinapangarap ko lang ang nararamdaman kong ‘to. Yung tipong kapag iniisip mo siya, kay hirap na abutin pero minsan pala pag pinabayaan mo lang at marunong maghintay sa tamang panahon kung para sa ‘yo talaga, ibibigay sa ‘yo.”

Siyempre, proud na proud naman si Edward sa kanyang “soulmate”. Sabi nga ng binata sa isang panayam after the said fashion event, “It’s one of those things that you can’t teach someone.

“Yun lang ang masasabi ko. I don’t think any other girl in this industry could do what she does. Yun ang totoo. Opinyon ko, ‘to ha? I don’t think anyone can do what she does because she’s Maymay,” dagdag pang sey ng “soulmate” ni Maymay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending