Ilang kritiko ni Duterte may ’paandar video’ para sa 2019 | Bandera

Ilang kritiko ni Duterte may ’paandar video’ para sa 2019

- December 01, 2018 - 12:45 AM

ILANG celebrities ang gumawa ng kani-kanilang video para hikayatin ang madlang pipol na bumoto sa darating na 2019 mid term elections.

Viral na ngayon ang mga video nina Agot Isidro, Jim Paredes, Bituin Escalante at iba pang singer-actors gamit ang hashtag na #ArtForcesPh kung saan nananawagan sila sa mga kapwa Pinoy na bumoto sa Mayo, 2019 tungo sa inaasam na pagbabago.

Ang hakbang na ito ay kasabay din ng pagdiriwang kahapon ng Bonifacio Day. Mapapansin na karamihan sa mga naglabas ng video ay kritiko ng Duterte administration.

Narito ang mensahe ni Agot sa kanyang video, “Ako si Agot Isidro at ako’y isang Pilipino. Gusto ko ng equal opportunity sa lahat ng mamamayan: bata, matanda, babae, lalaki, mahirap, mayaman, taga probinsya man, o taga siyudad.

“Equal opportunity to education and to health care. Kaya sa Mayo 2019, boboto ako.”

Ito naman ang laman ng video ni Bituin, “Ako po si Bituin Escalante ng Art Forces of the Philippines. I am a singer, I am a stage actor, I am also the mother of two beautiful girls.

“This is the reason why I lend my voice to this movement. Gusto ko po ng patas na karapatan para sa lahat ng Pilipino. Ipaglaban po natin ang ating kababaihan, those marginalized, ang mga Lumad, ang mga mahihirap.

“Lahat po tayo, may patas na karapatan. We need to vote to protect out institutions. Palakasin po natin ang boses ng oposisyon ng Senado para lahat ng desisyon napagninilay-nilayan. Kailangan ho ng oposisyon.”

Ang iba pang naglabas ng kanilang mga 2019 election video ay sina Audie Gemora, Jaime Fabregas, Mae “Juana Change” Paner at ang National Artist na si Benedicto “Bencab” Cabrera.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending